CRISPY CHICKEN with HONEY-GARLIC GLAZE
Uso ngayon itong crispy fried chicken na nilagyan ng glaze na may iba-ibang flavor. Actually, dati na ito na nabuhay muli dahil sa commercial ng isang fastfood giant na nagkaroon na din ng ganitong klase ng fried chicken.
Well, masarap naman talaga itong fried chicken na nilagyan pa ng glaze. Di na kailangan pa ng sawsawan o gravy habang kinakain ito. Yun lang parang natatabunan na ng flavor ng glaze ang sarap ng chicken. Pero anu pa man, mainam ito para sa mga anak natin na masyadong pihikan sa mga ulam na inihahanda natin. Try nyo din po.
CRISPY CHICKEN with HONEY-GARLIC GLAZE
Mga Sangkap:
1 kilo Chicken Wings and Drumsticks
1 pc. Lemon or 8 pcs. Calamansi
2 cups Rice Flour
Salt and pepper to taste
Cooking Oil for frying
For the Glaze:
1 cup Pure Honey
1 tsp. Chili-Garlic Sauce
1 head minced Garlic
Salt to taste
Paraan ng pagluluto:
1. I-marinade ang manok sa katas ng lemon o calamansi, asin at paminta. Hayaan ng 1 oras o higit pa. Overnight mas mainam.
2. Painitin ang mantika sa kawali. Dapat mga lubog ang manok sa mantika kapag pinirito.
3. Ilagay sa isang plastic bag ang manok at rice flour. Alu-alugin hanggang sa ma-coat ang lahat na piraso ng manok.
4. I-prito ang manok hanggang sa maluto at mag-golden brown ang balat. Hanguin muna sa isang lalagyan.
5. Bawasan ang mantika sa kawali. Magtira lamang ng mga 2 kutsarang mantika.
6. Igisa ang bawang hanggang sa medyo mag-brown.
7. Sunod na ilagay ang chili-garlic sauce at isunod na din ang honey bee. Halu-haluin
8. Timplahan ng kaunting asin. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
9. Patayin ang apoy at ihalo ang piniritong manok. Halu-haluin hanggang sa ma-coat ng sauce anag lahat na piraso ng manok.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!!
Comments