HIGADILLO - Adobo at Paksiw in One


Hindi ko alam kung saan nag-origin ang dish na ito na Higadillo.    Napanood ko lang din ito sa cooking segment ng Umagang Kay Ganda sa channel 2.    Naisip ko lang, masarap siguro ito dahil pinagsama ang pareho kong paboritong luto sa baboy ang adobo at paksiw.

Yes, pinaghalong adobo at paksiw ang dish na ito.   Medyo manamis-namis din ito.   Try nyo din po.



HIGADILLO - Adobo at Paksiw in One

Mga Sangkap:
1 kilo Pork Belly, Kasim or Pigue (cut into cubes)
1/2 kilo Pork Liver (sliced)
1 cup Cane Vinegar
1/2 Cup Soy Sauce
2 cup Mang Tomas Sarsa ng Lechon
1 head Minced Garlic
1 large Onion (sliced)
1 tsp. Freshly crack Black Pepper
4 pcs. Siling Pang-sigang
2 pcs. Dried Laurel leaves
2 tbsp. Brown Sugar
Salt to taste
3 tbsp. Cooking Oil

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang heavy bottom na kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa mantika.
2.   Ilagay na agad ang karne ng baboy at timplahan ng kaunting asin at paminta.   Halu-haluin at hayaang masangkutsa o magmantika ang karne ng baboy.
3.   Sunod na ilagay ang suka, toyo at dahon ng laurel.   Takpan at hayaang maluto ang karne.   Maaaring lagyan ng tubig kung kinakailangan pa.
4.  Kung malambot na ang karne, ilagay na ang atay ng baboy, Mang Tomas Sarsa ng Lechon, siling pang-sigang at brown sugar.   Haluin ng bahagya.   Takpan muli at hayaang maluto ang atay.  
5.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.   Huwag tagalan ang pagluto sa atay para hindi tumigas.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy