OUR CHINESE NEW YEAR BREAKFAST
Kahapon February 19 ay Chinese New Year. Wala man kaming lahing tsino, nakisaya na din kami ng aking pamilya sa ilang kaugalian na ginagawa nila tuwing sumasapit ang new year.
At komo walang pasok ang opisina at mga paaralan, nagluto ako ng espesyal na almusal bilang pagsalubong na din sa Chinese New year.
Una ay itong baby potatoes na ito na nilagyan ko ng cream, cheese, pimiento at bacon. Favorite ito ng aking asawang si Jolly at mga anak.
For long life, nagluto din ako ng Italian style spaghetti na nilahukan ko din ng hotdogs at sliced mushroom.
At mawawala ba ang tikoy tuwing new year? Malagkit ito para daw magbuklod ang mga pamilya.
Naglagay din ako ng nilagang itlog ng pugo at manok at maliliit na chocolates na hugis itlog din.
Pampaswerte daw ang pinya at mga oranges kaya bumili din ako nito.
Hindi naman sa naniniwala ako sa kaugaliang tsino tuwing dumarating ang bagong taon. Kung baga, ito'y nakasanayan na lang. At naniniwala ako na nasa atin pa din ang ikauunlad ng ating pamumuhay. Pananalaig sa Diyos at kasipagan at dapat pa rin nating gawin para guminhawa ang ating buhay.
HAPPY NEW YEAR!!!!!
Comments