PAN-FRIED PINK SALMON in BUTTER


Noon pa nire-request ng asawa kong si Jolly na magluto naman daw ako ng pink salmon.   Hindi ko siya mapagbigyan komo napaka-mahal ng kilo ng isdang ito.   Sa supermaket nasa P600+ ang kilo nito.

Pero nitong nakaraan naming wedding anniversary naisipan kong magluto nito para na din sa espesyal na okasyon at mapagbigyan na din ang mahal kong asawa.   Sa Farmers market ako bumili nito at P450 per kilo.  

Komo masarap talaga ang isdang ito, hindi ko kinumplikado ang pagluto dito.   Ibig kong sabihin isang simpleng luto at kaunting sangkap lang ang aking inilagay para hindi matabunan ang masarap na lasa ng isda.

At ito na nga, isang masarap na pananghalian para sa aming espesyal na araw.


PAN-FRIED PINK SALMON in BUTTER

Mga Sangkap:
1 kilo Pink Salmon (steak cut)
1/4 cup Melted Butter
Salt and Pepper To taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Timplahan ang steak cut na pink salmon ng asin at paminta.   Hayaan ng ilang sandali.
2.   I-pan fried ito sa butter hanggang sa maluto o pumula ang magkabilang side.

Ihain na may kasamang toyo na may calamansi habang mainit pa.

Enjoy!!!!


Comments

Anonymous said…
salamat sa recipe

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy