SARCIADONG SALMON

Ang isdang salmon partikular yung pink salmon ang isdang hindi na kailangan pa ng kung ano-anong pampalasa dahil masarap na talagang klase nn isda ito.    Kung baga asin at paminta lang ay okay na.

Nitong nakaraan nga naming wedding anniversary ipinagluto ko ng salmon ang aking asawang si Jolly.   Yung isa ay simpleng pan-fried lang na sinamahan ko ng steamed broccoli at ang iba naman ay nilagyan ko ng ginisang kamatis ala sarciado.   Masarap!   Iba talaga kapag niluto mo ang isdang masarap na ng simpleng luto lang.   Yummy!!!!



SARCIADONG SALMON

Mga Sangkap:
3 slices Pink Salmon
6 pcs. Tomatoes
1 pc. White Onion
5 cloves Minced Garlic
1 pc. Fresh Egg (beaten)

Salt and pepper to taste
3 tbsp. Cooing Oil
Spring Onion for garnish

Paraan ng pagluluto:
1.   Timplahan ng asin at paminta ang magkabilang side ng pink salmon.   Hayaan ng ilang sandali.
2.   I-pan-fry ito sa isang non-stick na kawali hanggang sa medyo pumula ang magkabilang side.
3.   Sa parehong kawali igisa ang bawang, sibuyas at kamatis.
4.   Timplahan ng asin at paminta.   Lagyan ng kaunting tubig at hayaang malamog o madurog ang kamatis.
5.   Ilagay ang binating itlog at halu-haluin.
6.   Ilagay ang ginisang kamatis sa ibabaw ng piniritong salmon.   I-garnish ng spring onion.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!


Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy