VIETNAMESE SPRING ROLL
Last week sinabihan ako ng pangalawang kong anak na si James na kailangan daw niyang magdala ng Vietnamese food sa school para sa kanilang project sa Araling Panlipunan. Pagkasabi niya nun isang dish lang ang agad na pumasok sa aking isipan. Itong Vietnamese Spring Roll.
First time ko lang gumawa nito. Nung i-check ko kung ano ang mga kailangan para dito, medyo nagkaroon ako ng kalituhan sa mga sangkap na gagamitin. Yung iba may hipon or chicken. Yung iba naman pork o gulay lang ang palaman. Kinuha ko na lang yung pinaka-common na sangkap at ako na lang ang dumiskarte kung ano pa ang aking ipapalaman.
May nakita akong leftover na pork tocino at yung bistek na baka na bigay ng kapitbahay. Ang ginawa ko na lang ay ininit ko ito at hiniwa ng maliliit. Also, sa halip na gumawa pa ako ng sauce o dip para dito, isinama ko na lang ito sa karne na ipapalaman. Nakakatuwa dahil masarap ang kinalabasan at nagustuhan talaga ng teacher ng aking anak at ng aking asawa. Try nyo din po.
VIETNAMESE SPRING ROLL
Mga Sangkap:
Pork Tocino / Beef Steak o Roast Beef / Lechon Manok or Roasted Chicken) Hiwain nang maliliit
Mayonaise
Peanut butter
Sotanghon Noodles (ibabad sa mainit na tubig hanggang sa maluto)
Rice Paper
Romaine Lettuce
Carrots (cut into sticks)
Cucumber (cut into sticks)
Cilantro or Wansuy
Patis
Salt and pepper to taste
To Assemble:
1. Timplahan ng kaunting patis ang sotanghon noodles.
2. Sa isang bowl pagghaluin ang hiniwang palaman (tocino, roast beef or bistek, roasted chicken), mayonaise ang kaunting peanut butter. Timplahan na din ng kaunting asin at paminta.
3. Ilubog ang rice paper sa tubig ng mga 5 segundo.
4. Ilatag ang rice paper sa isang plato at ilagay ang romaine lettuce, pipino, carrots, cilantro, sotanghon noodles at ang palamang ginawa.
5. I-roll ito ng mahigpit.
6. Mag-lubog muli ng isa pang rice paper at i-roll ulit ang naunang ibinalot na spring roll.
7. Hiwain sa nais na laki at ilagay sa isang lalagyan.
I-serve agad at enjoy.
Note: Hindi na ako naglagay ng sukat ng mga sangkap. Kayo na ang bahala kung gaano karami ang inyong gagawin.
Enjoy!!!!

Comments
Dennis