VIETNAMESE SPRING ROLL

Last week sinabihan ako ng pangalawang kong anak na si James na kailangan daw niyang magdala ng Vietnamese food sa school para sa kanilang project sa Araling Panlipunan.   Pagkasabi niya nun isang dish lang ang agad na pumasok sa aking isipan.   Itong Vietnamese Spring Roll.

First time ko lang gumawa nito.   Nung i-check ko kung ano ang mga kailangan para dito, medyo nagkaroon ako ng kalituhan sa mga sangkap na gagamitin.   Yung iba may hipon or chicken.   Yung iba naman pork o gulay lang ang palaman.   Kinuha ko na lang yung pinaka-common na sangkap at ako na lang ang dumiskarte kung ano pa ang aking ipapalaman.

May nakita akong leftover na pork tocino at yung bistek na baka na bigay ng kapitbahay.   Ang ginawa ko na lang ay ininit ko ito at hiniwa ng maliliit.   Also, sa halip na gumawa pa ako ng sauce o dip para dito, isinama ko na lang ito sa karne na ipapalaman.    Nakakatuwa dahil masarap ang kinalabasan at nagustuhan talaga ng teacher ng aking anak at ng aking asawa.   Try nyo din po.



VIETNAMESE SPRING ROLL

Mga Sangkap:
Pork Tocino / Beef Steak o Roast Beef / Lechon Manok or Roasted Chicken)   Hiwain nang maliliit
Mayonaise
Peanut butter
Sotanghon Noodles (ibabad sa mainit na tubig hanggang sa maluto)
Rice Paper
Romaine Lettuce
Carrots (cut into sticks)
Cucumber (cut into sticks)
Cilantro or Wansuy
Patis
Salt and pepper to taste

To Assemble:
1.   Timplahan ng kaunting patis ang sotanghon noodles.
2.   Sa isang bowl pagghaluin ang hiniwang palaman (tocino, roast beef or bistek, roasted chicken), mayonaise ang kaunting peanut butter.   Timplahan na din ng kaunting asin at paminta.
3.   Ilubog ang rice paper sa tubig ng mga 5 segundo.
4.   Ilatag ang rice paper sa isang plato at ilagay ang romaine lettuce, pipino, carrots, cilantro, sotanghon noodles at ang palamang ginawa.
5.   I-roll ito ng mahigpit.
6.   Mag-lubog muli ng isa pang rice paper at i-roll ulit ang naunang ibinalot na spring roll.
7.   Hiwain sa nais na laki at ilagay sa isang lalagyan.

I-serve agad at enjoy.


Note:   Hindi na ako naglagay ng sukat ng mga sangkap.   Kayo na ang bahala kung gaano karami ang inyong gagawin.

Enjoy!!!!


Comments

Unknown said…
sobrang effort aq ng sinubukan ko tong recipe na to Sir Dennis but without the sotanghon, ang hirap maghanap ng rice paper d2 s UAE and swerte nmn may nabilhan aq, nagustuhan ng mga kapatid q and even un mga hausmates nmin... planning to do it pag uwi ko ng Pinas, ipapatikim q kina Nanay at Tatay q, sure na magugustuha nila coz healthy pa sya.
Unknown said…
and mas prefer pala nmin without the sisig althouh masarap din sya...
Dennis said…
Thanks Ana. Alam mo ba na ang dish na ito ang inilaban kong entry sa Lady's Choice Kitchen Challenge last Nov 2015? Naging finalist ako at ako lang ang hindi chef na nakapasok sa finals. Although hindi naman nanalo pero yung nakapasok lang ako sa finals with those wonderful chefs from all over the Philippines e panalo na din ako. Hehehe

Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy