BRAISED then ROASTED CHICKEN in BARBEQUE SAUCE
Mula nung ma-discover itong Hickory Barbeque marinade ng Clara Ole, na-hook na ako dito at lagi na akong may-stock nito sa aming kitchen cabinet. Masarap naman kasi talaga ito at gustong-gusto ko yung smokey flavor.
Naisip ko tuloy yung paraan ng pagluluto ng Ate Mary Ann ko ng Chicken barbeque. Pinapakuluan niya muna yung manok sa barbeque sauce at saka iniihaw. Ganun nga ang ginawa ko sa aking version. Pero sa halip na iihaw niluto ko ito sa turbo broiler. And as expected masarap ang kinalabasan ng chicken na ito.
BRAISED then ROASTED CHICKEN in BARBEQUE SAUCE
Mga Sangkap:
6 pcs. Chicken Legs
1 tetra pack Clara Ole Hickory Barbeque Marinade
1 head Minced Garlic
1 pc. Onion (chopped)
1 thumb size Ginger (grated)
3 tbsp. Cooking Oil
1/2 cup Brown Sugar
1/2 cup Soy Sauce
Salt and pepper to taste
Paaan ng pagluluto:
1. I-marinade ang manok sa Clara Ole Hickory Barbeque marinade, bawang at paminta ng 2 oras o higit pa. Overnight mas mainam.
2. Sa isang non-stick na kaserola o kawali, igisa ang sibuyas at grated ginger sa mantika.
3. Ilagay na ang manok kasama ang marinade mix.
4. Ilagay na din ang toyo, brown sugar at kaunting asin at paminta. Takpan at hayaang maluto ang manok hanggang sa kumaunte na lang ang sauce.
5. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
6. Hanguin ang manok from the sauce at i-roast naman sa baga o sa turbo broiler hanggang sa medyo umitim lang ng bahagya ang balat.
7. Pahiran ng sauce ang manok bago ihain.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments