KARE-KARE
Kapag sinabing Pilipino food hindi mawawala ang kare-kare sa ating mga listahan. Ofcourse ang ating adobo at sinigang ang tiyak na nauuna dito. Pinoy na pinoy ang dating ng kare-kare. Bukod sa mga gulay na sahog nito, panalong-panalo din ang kasama nitong bagoong. Madali lang magluto ng kare-kare. Tambog-tambog lang ng mga sangkap ay okay na. Ang pinaka-importante na dapat nating tandaan sa dish na ito ay yung freshness ng mga gulay at ang masarap na bagoong na gagamitin. Kung hindi kasi masarap ang bagoong, parang walang buhay ang kare-kare nyo. Kare-kare is not kare-kare kung walang bagoong. To be safe, bumili na lang tayo ng mga bottled na bagoong sa supermarket. Mas masarap yung sweet and spicy ang flavor. KARE-KARE Mga Sangkap: 1 kilo Beef face o buntot ng baka (cut into serving pieces) Puso ng saging Sitaw Pechay Tagalog Talong 1 cup Ground Toasted Rice 1 cup Ground Toasted Peanuts or 1 cup peanut butter 1/2 cup Anato oil or Achuete 1 head minced Garlic 1 large Onion sliced salt...
Comments