PATA TIM ESPESYAL


Nitong nakaraang Pasko ng pagkabuhay nga ay nagkaroon kami ng isang simpleng pananghalian para sa dalawa kong anak na sina Jake at Anton na nag-graduate ng high school at elementary.    Isinabay na din dito ang padasal para naman sa death aniversary ng biyenan kong lalaki na si Tunying.

Simpleng pananghalian lang yun.   4 na dish lang ang aking niluto.   Fish fillet na may white sauce, Calamares with barbeque sauce, tinolang manok at itong Pata Tim espesyal na niluto ko.

Matagal-tagal na din yung huling beses na nagluto ako ng pata tim.   Sa tingin ko ay ito ang magandang pagkakataon para magluto ulit nito.   Nakakatuwa naman at nagustuhan ng lahat ng kumain ang niluto kong ito.  Actually lahat ay naubos.  Hindi nga ako naka-kain....hehehehe.


PATA TIM ESPESYAL

Mga Sangkap:
2 pcs. Pork Leg / Pata
5 pcs. Star Anise
Bok Choy or Chinese Pechay
1 head MInced Garlic
2 pcs. Onion (sliced)
1 cup Soy Sauce
1/2 cup Vinegar
1 cup Brown Sugar
3 tbsp. Cooking Oil
1 tbsp. Cornstarch
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.  Timplaha ng asin at paminta ang paligid ng pata.   Hayaan ito ng ilang sandali.
2.   Lutuin sa turbo broiler sa pinaka-mainit na setting sa loob ng 30 minuto o hanggang sa medyo pumula lang ang balat.
3.   Sa isang medyo malaking kawali, igisa ang bawang at sibuyas sa mantika.
4.   Ilagay na ang tinurbong pata ng baboy at timplahan ng suka, toyo, star anise, sin, paminta at mga 3 tasang tubig.
5.   Takpan at hayaan maluto hanggang sa lumambot ang pata.   Maaring lagyan pa ng tubig kung kinakailangan.
6.   Kung malambot na ang pata, dapat ay yung halos humiwalay na ang laman sa buto, ilagay na ang brown sugar at bok choy.   Hayaan ng mga 2 minuto.
7.   Ilagay na din ang tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce.
8.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy