TILAPIA FILLET with BARBEQUE DIP
Nitong huling pag-go-grocery ko sa SM Supermarket sa Makati, nakita ko itong medyo may kalakihang tilapia. Naisip ko agad na bakit hindi ko ito ipa-fillet at gawan ng masarap na sauce. First time ko pa lang gagamit ng tilapia sa fish fillet dish ko. Nung una tuna ang aking ginagamit kaso may kamahalan na ngayon ang kilo nito. Nung nauso naman ang cream dory, ito na ang madalas kong gamitin. Kaso medyo nahihirapan ako sa timpla nito komo may kaalatan na ang laman ng isda na ito.
Sa tilapia fillet, masasabi kong pwede din itong ihelera sa mga isdang tuna, lapu-lapu at iba pang medyo may kamahalan na isda. Masarap din kasi ang lasa nito. Ang mainam pa dito hindi ito kamahalan. Try nyo din po.
TILAPIA FILLET with BARBEQUE DIP
Mga Sangkap:
3 pcs. large size Tilapia (ipa-fillet)
1 pc. Lemon or 8 pcs. Calamansi
1 cup Cornstarch
1 pc. Egg (beaten)
1 tsp. Maggie Mgic Sarap
Salt and pepper to taste
Cooking Oil for frying
For the Sauce:
1 tetra pack Clara Ole Hickory Barbeque Marinade
1 thumb size Ginger (grated)
5 cloves Minced Garlic
1 small Onion (chopped)
Brown Sugar and ground pepper to taste
1 tbsp. Cooking Oil
Paraan ng pagluluto:
1. I-marinade ang tilapia fillet sa asin, paminta, Maggie Magic Sarap at katas ng lemon sa loob ng 30 minuto o higit pa.
2. Ilubog sa cornstarch pagkatapos ay sa binating itlog naman at balik ulit sa cornstarch at saka i-prito sa kumukulong mantika. Dapat mga 1 inch ang lalim ng mantika. I-prito hanggang sa mag-golden brown ang kulay.
3. Hanguin sa isang lalagyan na may paper towel.
4. For the sauce o dip: Igisa ang luya, bawang at sibuyas sa mantika.
5. Ilagay na agad ang Clara Ole Hickory barbeque marinade at timplaha ng brown sugar at paminta. Halu-haluin.
6. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
Ihain ang nilutong tilapia fillet kasama ang barbeque dip na ginawa.
Enjoy!!!!
Comments