BAKED SALMON in BUTTER and BASIL
Ang isdang pink salmon ang isa sa mga isda na medyo may kamahalan ang presyo. Imagine, nasa P500 to P700 ang kada kilo nito? Sabagay, may kasarapan naman talaga ang isdang ito.
Kapag may espesyal na okasyon lang ako nagluluto ng isdang ito. Espesyal naman kasi talaga ang lasa at syempre ang presyo. hehehehe. Kaya nitong nakaraang Mother's Day, ito ang dish na niluto ko para sa aking asawa na si Jolly.
Hindi na kailangan pa na gawing komoplikado ang pagluluto sa masarap nang klase na isdang ito. Kaya ang ginawa ko, niluto ko na lang sa turbo broiler ng pa-bake at nilagyan ko lang ng dried basil at butter. At eto na nga...isang masarap na ulam para sa ina ng aking 3 anak.
BAKED SALMON in BUTTER and BASIL
Mga Sangkap:
1 slabs (about 1/2 kilo) Pink Salmon Fillet
1 tsp. Dried Basil
2 slices of Butter
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Timplahan ng asin, paminta at dried basil ang pink salmon fillet. Hayaan ng mga isang oras.
2. Ilagay sa ibabaw ng isda ang sliced butter at saka balutin ng aluminum foil.
3. Lutuin sa oven o turbo broiler sa init na 250 degrees sa loob ng 15 hanggang 20 minuto.
Ihain na may kasamang buttered vegetables, mashed potato o mainit na kanin.
Enjoy!!!

Comments