BINAGOONGANG LIEMPO

Bukod sa aligue ng talangka na nabili namin sa Pangasinan, nakabili din kami ng bagoong alamang.    Isang dish din lang ang pumasok sa aking isipan.  Itong Pork Binagoongan.

Isa sa mga paborito kong pork dish itong binagoongan.  May ilang version na din ako nito sa archive.   Sa pagluluto nito importante ang quality ng bagoong na gagamitin.  Otherwise, hindi ganun kasarap ang kakalabasan ng inyong binagoongan.   At itong bagoong Pangasinan ang perfect sa lutuing ito.


BINAGOONGANG LIEMPO

Mga Sangkap:
1 kilo Pork Belly o Liempo (piliin yung manipis lang ang taba)
1 cup Bagoong Alamang (ready to eat)
3 pcs. Talong (hiwain ng mga 2 inches ang haba at hatiin sa gitna)
1 can or 2 cups Kakang Gata
1 head MInced Garlic
1 pc. Large Onion (sliced)
4 pcs. Siling pang-sigang
Salt and pepper to taste
1 tsp. Maggie Magic Sarap (optional)

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang heavy bottom na kaserola, i-prito ang bawang hanggang sa mag-golden brown ang kulay.   Hanguin sa isang lalagyan.
2.   I-prito din ang talong hanggang sa maluto.   Hanguin sa isang lalagyan.
3.   Sunod na igisa naman ang sibuyas.
4.   Ilagay na agad ang liempo o karne ng baboy at lagyan ng kaunting asin at tubig.   Takpan at hayaang lumambot ang karne.   Kung natuyuan na ng tubig at matigas pa ang karne, lagyan pa ito ng tubig.
5.   Kung malambot na ang karne, ilagay na ang bagoong alamang, siling pang-sigang at kakang gata.   Hayaang kumulo ng mga 5 minuto.
6.   Tikman muna ang sauce bago timplahan pa ng asin, paminta at maggie magic sarap.
7.   Hanguin sa isang lalagyan at budburan ng tostadong bawang.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!



Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy