CALAMARES with BARBEQUE SAUCE

Masarap talaga ang calamares o crispy pusit.   Di lang ito masarap na pulutan o appetizer, masarap din itong pang-ulam.   Yung iba pa nga ginagawa itong meryenda sa hapon kasama ang masarap na palamig.   Hehehehe.

Pangkaraniwang ginagamit na sawsawan dito ay suka na may bawang at sili.   Pero na ty nyo na ba na barbeque sauce naman ang gamitin dito.   Sinubukan kong gawin ito nung minsang nagluto ako ng calamares sa Batangas.    Dahil pang-ulam ito barbeque sauce nga ang aking ginawang sawsawan.   At okay naman, masarap pa rin ang paborito nating calamares.


CALAMARES with BARBEQUE SAUCE

Mga Sangkap:
1 kilo Squid Rings
2 cups All Purpose Flour
4 pcs. Fresh Eggs (beaten)
1 tsp. Maggie Magic Sarap
Salt and pepper to taste
Cooking oil for frying
For the Barbeque Sauce:
1 tetra pack Clara Ole Hickory Barbeque marinade
5 cloves Minced Garlic
1 small White Onion (chopped)
1/2 cup Brown Sugar
1/2 Cup Soy Sauce
1/2 tsp. Ground Black Pepper
1 tsp. Cornstarch

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang bowl, paghaluin ang harina, itlog, asin, paminta at maggie magic sarap.   Haluin mabuti para maka-gawa ng batter.   Unti-unti lang lagyan ng malamig  na tubig para makuha ang tamang lapot ng batter.
2.   Pagka-init ng mantika sa kawali.
3.   Ilubog sa batter ang bawat piraso ng squid rings at saka i-prito sa kumukulong mantika.   Hanguin kapag medyo golden brown na ang kulay.   Hanguin sa isang lalagyan na may paper towel.
4.   For the barbeque sauce:   Sa isang sauce pan, igisa ang bawang at sibuyas sa kaunting mantika.
5.   Sunod na ilagay ang toyo at hickory barbeque marinade.
6.   Ilagay na din ang brown sugar at paminta.   Halu-haluin.
7.   Huling ilagay ang tinunaw na cornstarch. 
8.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.

Ihain ang calamares habang mainit pa kasama ng barbeque sauce.

Enjoy!!!!


Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy