CHINESE STYLE PORK ASADO
Ang Chinese Pork Asado ay pa din lang pork hamonado o pork humba nating mga Filipino. Ang pagkakaiba lang nito ay mayroon itong star anise at sesame oil. Ang mainam pa sa dish na ito, pwede mo din itong himayin at gawing palaman sa asado siopao. Kailangan lang na palambutin pa ito ng maigi para madaling himayin.
Sa dish na ito hindi kailangan na malambot na malambot ang pagkaluto para hindi ito madurog kapag ini-slice na. Kailangan lang manipis ang pagka-slice para madali itong kainin.
Masarap ang dish na ito. Tamang-tama sa mga espesyal na okasyon kagaya nitong nalalapit na Mother's Day.
CHINESE STYLE PORK ASADO
Mga Sangkap:
1 kilo Pork Kasim or Pigue (cut into logs)
3 pcs. Star Anise
2 cups Pineapple Juice
1 cup Soy Sauce
1 cup Brown Sugar
1 head Minced Garlic
1 large Onion (chopped)
A bunch of Chinese Pechay or Bok Choi
Salt and pepper to taste
3 tbsp. Cooking Oil
1 tbsp. Cornstarch
1 cup Shitake Mushroom (sliced)
1 tsp. Sesame Oil
Paraan ng pagluluto:
1. I-marinade ang karne ng baboy sa pineapple juice at kaunting asin. Overnight mas mainam.
2. Sa isang non-stick na kawali, i-brown ng bahagya ang karne ng baboy sa kaunting mantika.
3. Kung na-brown na, ilagay ang bawang, sibuyas, star anise, brown sugar, toyo at ang pineapple juice na pinagbabaran ng karne. Takpan at hayaang maluto ang karne. Maaaring lagyan pa ng tubig kung kinakailangan.
4. Kung malambot na ang karne ilagay na ang bok choi at ang tinunaw na cornstarch. halu-haluin.
5. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
6. Palamigin muna ang nilutong karne bago i-slice.
7. Ilagay ang hiniwang asado sa isang bandehado at ilagay sa side ang bok choi. Lagyan din ng sauce ang ibabaw ng hiniwang karne.
Enjoy!!!!
Comments