FUN FUN FUN @ PANGASINAN 2015
FUN FUN FUN @ PANGASINAN 2015
Yes. Last Friday May 1, 2015 ay nag-outing kami ng aking pamilya sa probinsya ng Pangasinan. Actually, biglaan lang din ang pag-pa-plano. Dapat ay magsisimba lang kami sa Our Lady of the Holy Rosary ng Manaoag. Pero napagisipan naming bakit hindi kami mag-beach na komo nandun na rin lang kami. At ganun na nga ang nangyari.
It's our first time na makapunta sa simbahan ng Manaoag. Kaya naman 4am pa lang ng araw na yun ay bumyahe na kami papunta doon dahil may kalayuan din ito sa Manila. Lubos ang aking kaligayahan at nakarating kami ng maluwalhati sa lugar na yun.
Pagkatapos ng misa ay pumunta din kami sa museo ng simbahan at angtulos na din ng kandila sa may bandang likod nito.
Bandang 10:00am naman ay tumulak na kami papuntang Hundred Islands sa Alaminos Pangasinan. nagkaligaw-ligaw pa nga kami dahil kung saan-saan kami napunta na lugar. Salamat sa aming napagtanungan at nakarating din kami sa pantalan ng Alaminos bandang 1 na ng tanghali.
Sa pantalan na kumain ng tanghalian ang marami sa amin habang hinihintay namin ang bangka na gagamitin namin paputang hundred islands.
Inag isla na pinuntahan na in ay ang Governors Island. Sa tuktok nito ay may viewing deck na makikita mo ang halos lahat ng isla ng hundred islands. Nakakapagod lang dahil mataas ang hagdan na aakyatin.
Pero sulit naman kapag nakita mo ang kagandaha ng mga isla na nakapalibot dito.
Kahit nakakapagod at gutom sa mahabang biyahe, masaya pa rin ang lahat sa pagpapa-picture. hehehehe.
Next stop ay sa Mayors Island naman. Sa lahat ng isla, ito ang nagustuhan ko. Bukod kasi sa napalinis na tubig, hindi ganun karami ang pumupunta dito. Dito din kami nag-swimming kinabukasan bago kami umuwi.
Last island na pinuntahan namin sa first day ay ang Quezon Island. Compare sa ibang mga isla, medyo kumpleto ito sa pasilidad. May store din na nagtitinda ng kung ano-ano at toilet na pwedeng gamitin ng lahat.
Bandang 6pm ay nagsimula na ang karamihan na mag-o-overnight na magtayo ng kani-kanilang tent. Kami naman ay nag-tayo na din ng tent na na-rent namin sa pantalan pa lang.
Nang maayos namin ang tent ay inihanda na din namin ang aming hapunan. Niluto ko na ito sa bahay pa lang para hindi na nga kami bumili pa dito. Sobrang mahal kasi ng tinda sa lugar na ito. Imagine, triple ang presyo ng mga paninda dito?
Adobong liempo, turbong manok, inihaw na bangus ang mga ulam na niluto ko. May dala din kaming manggang hinog at hilaw.
At habang nagpapa-antok sa gabi, bumili din ako ng ilabng boteng beer para may mainom naman kami ng aming driver na pinsan naman ng aking asawang si Jolly. Take note P60 ang per bottle ng SanMig Lights dito. hehehehe
Maaga din kaming nagising. Dapat kasi by 6am ay naligpit na namin ang aming tent. Dun na din kami kumain ng aming breakfast at iniinit na lang namin dun sa tindahan yung natira pa naming pagkain. At by 8am ay naka-alis na kami sa Quezon Island at ready na ulit mag-explore sa iba pang mga isla.
Yung Bat Island ang isa sa mga pinuntahan namin. Walang pampang ito kaya nilibot lang amin ito para makita ang mga paniki na nakasabit sa mga puno.
Next ay ang Cuenci island. May kweba ito o tunnel na pwedeng pasukan. Mayroon din restaurant dito na gawa sa kawayan at pwede ka din mag-swimming.
Last island na pinuntahan namin ay ang nabanggit ko na kanina ang Mayors Island. Sa lahat ng island ito ang nagustuhan ko. Dito na kami nag-swimming at from here diretso balik na kami sa pantalan at doon na nag-banlaw at naligo.
Hindi na ako naka-kuha ng picture at na-lowbat na ang aking camera. hehehehe
By 7pm na kami naka-dating ng aming bahay sa Manila. Pagod pero masaya pa din sa masayang karanasan na aking na-experience sa Pangasinan.
Until next time.......
Comments