MEATBALLS in SPAGHETTI SAUCE
Nitong nakaraang mga araw, gumawa ako ng pork embotido para pang-ulam namin sa bahay. 1 kilo na giniling ang aking ginamit na hinaluan ko pa ng 1 latang luncheon meat at iba pang mga sangkap. Marami ang kinalabasan ng mixture kaya naisip ko na hatiin ito at ang iba ay gawing lumpiang shanghai o kaya naman ay dumplings. Naisip ko din na pwede din itong gawing bola-bola o kaya naman ay simpleng torta.
Sa bola-bola nauwi ang ginawa. At sa halip na sweet and sour sauce, spaghetti sauce na may flavor ng basil at oregano ang aking inilagay. Masarap siya. Ang mainam sa dish na ito, pwede itong ipang-ulam nang ganito o kaya naman ay ihalo sa pasta. Try nyo din po.
MEATBALLS in SPAGHETTI SAUCE
Mga Sangkap:
About 1/2 kilo Embotido Mix (pwede po nyong gamitin ang recipe sa link na ito: http://mgalutonidennis.blogspot.com/2010/08/pork-embotido.html)
5 cloves Minced Garlic
1 large White Onion (sliced)
1 tsp. Dried Basil
1 tbsp. Brown Sugar
5 cups Spaghetti Sauce (I used this spaghetti sauce below)
3 tbsp. Olive Oil
Salt and pepper to taste
Cooking Oil for frying
Paraan ng pagluluto:
1. Gamit ang embotido mix, gumawa ng mga bola-bola o meatballs sa nais na laki.
2. I-prito ito ng lubog sa mantika hanggang sa maluto. Hanguin sa isang lalagyan.
3. Sa isang kawali o sauce pan igisa ang bawang at sibuyas sa olive oil. Ihalo na din ang dried basil.
4. Ihalo ang spaghetti sauce at timplahan ng brown sugar at kauntingasin at paminta.
5. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
6. Ihalo ang piniritong meatball sa sauce.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!

Comments