MOMMY'S DAY OUT 2015


Last Sunday May 11, ang lahat kasama na kami ay nagdiwang ng Mother's Day.   Hindi pwedeng hindi ito i-celebrate dahil alam nating importante at mahal natin ang ating mga ina.

 Sa labing-pitong taon ng pagsasama namin ng aking asawang si Jolly, hindi siya nawawalan ng bulaklak sa espesyal na raw na ito.   Ito'y bilang pagpupugay na din sa ina ang tatlo kong anak na sina Jake, James at Anton.

 Sa almusal pa lang nagluto ako ng aligue pasta para sa aking mahal.   May nabili kasi kaming aligue in a bottle nung pumunta kami ng Pangasinan.  Tamang-tama kako na isahog ko yun sa pasta.

Pagkatapos nun ay tumuloy naman kami para mag-simba at magpasalamat sa magandang araw na yun.    At pagkatapos naman nun ay tumuloy kami sa Watami Japanese Restauran para sa aming lunch.   Chinese resto ang unang suggestion ko sa kanila pero umayaw sila.   Kaya para maiba naman dito sa Watami nga kami natuloy.

 Pangalawang beses na kaming naka-kain dito.    Okay naman ang mga pagkain nila.   Yun lang medyo may kamahalan.

Nag-order kami nitong California Maki (pict sa itaas).

Itong Watami Salad na nagustuhan ko din lalo na yung dressing na nakalagay.   Ito pala ang order ng asawa kong si Jolly.

Chicken Wings Skewers.   Hindi ako naka-kain nito.   Pinaubaya ko na lang sa aking asawa at mga anak.

 Ito ang order ng anak kong si James.   Beef topping siya na nakalimutan ko na ag tawag.

Pareho naman ang order ng panganay kong anak na si Jake at bunsong si Anton.

Ito naman ang in-order ko.   Pork Ramen with spicy broth.   Sorry pero maalat ang sabay at hindi naman spicy.

Nag-order din pala kami ng Shrimp Tempura.

P3k++ din ang naging bill.  Medyo mahal di ba.   Sa manager nila ko din pala nalaman na last day na nila sa Glorietta branch.  Di naman nabanggit kung ano dahilan.

Nairaos namin ng masaya at busog ang Mothers Day sa taong ito.   Sana lang ay nasiyaha ang aking asawa.   hehehehe.

Happy Mother's Day ulit sa lahat ng mga ina.

'Till next.... :)

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy