MY SISTER SHIRLEY'S BIRTHDAY CELEBRATION

Last Saturday May 16, umuwi kami ng aking pamilya sa amin sa Bulacan para makisaya sa kaarawan ng aking bunsong kapatid na si Shirley.   Sa aming pamilya, kahit medyo mahirap ang buhay, iniraraos pa rin namin ang aming mga kaarawan na may handa kahit na papaano.

Wala naman masyadong bisita.   Ang mga malalapit lang naman na mga kamag-anak ang pumunta.   Kami siguro ang angkan na wag lang makale ay may kainan na.   Hehehehe.

Ang mga pagkaing inihanda niya ay ang mga sumusunod:     Itong masarap na pork caldereta....

Meron din nitong mixed vegetavles with quail eggs.

Ang masarap at crispy na crispy na fried chicken.

Itong fish fillet na hindi ko naman natikman kung anong sauce ang inilagay.

Pancit Canton at bihon na may sahog pang tenga ng daga.   Yummy!

At mayroon din nitong sinampalukang manok.

For the dessert:  Meron nitong Bibingkang Malagkit at Mango Crepe.   May nagdala din ng Ice Cream na home made.   Ang sarap...hindi ko lang natanong kung saan in-order.

Masaya ang may birthday at syempre ang buong pamilya.

Kahit marami pang bisita at gusto ko pang mag-stay ay umalis na din kami bandang 7:30 ng gabi pabalik na ng Manila.   Mahirap kasi ang sasakyan doon.   May oras ang byahe.

At ang maganda sa lahat...nabusog na nga kami...pinabaunan pa kami ng aking Ate Mary Ann ng pork caldereta at bibingkag malagkit.   Ang sarap talaga....hehehe

Till next....

Comments

Anonymous said…
nakakatuwa po ang mga kwento ninyo tungkol sa pamilya. nakakainggit din.
Dennis said…
Salamat kaibigan..... Sabi nga ang asawa at kaibigan ay napapalitan pero hindi ang pamilya....hehehe....Yun ang ipinagpapasalamat ko sa Diyos...bagamat kulang kami sa mga materyal na bagay...pero punong-puno naman kami ng pagmamahal.

Thanks again


DEnnis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy