PAKSIW na LECHONG MANOK

Last Saturday May 23, 2015, nagkaroon ng summer outing ang departamento na aking pinapasukan.   Bale 2 araw o overnight ang outing na yun at kailangan naming umalis ng madaling araw dahil may kalayuan ang lugar.

Komo ako nga ang nagpe-prepare ng pagkain ng aking pamilya, ini-ready ko na din ang mga ulam na kanilang kakainin sa loob ng 2 araw na yun.   Ibinilin ko na sa aking asawa ang mga ito at bahala na sila sa pagluluto.

Ang isa sa mga iuulam nila ay itong roasted chicken na minarinade ko sa katas ng lemon, toyo at worcestershire sauce.   Madali lang naman lutuin ito.   Isalang lang sa turbo broiler at ayos na.

pagdating ko kina-Lingguhan, laking pagtataka ko nang makita ko sa loob ng fridge ang kalhati ng roasted chicken na ito at pansin ko na hindi naluto ang loob na parte ng laman ng manok.   Hindi naman ito frozen pero yun nga ang ipinagtataka ko.

Kaya ang ginawa ko ay niluto ko ulit ito pero ipinaksiw ko na.   Gamit ang All Purpose Sarsa ng Lechon ni Mang Tomas ito ang kinalabasan ng aking Paksiw na Lechong Manok.   Yummy!!!


PAKSIW na LECHONG MANOK

Mga Sangkap:
1 Whole Lechong Manok (cut into serving pieces)
2 cups or more Mang Tomas Sarsa ng Lechon
5 cloves Minced Garlic
1 large Onion (sliced)
2 tbsp. Brown Sugar
2 tbsp. Soy Sauce
2 tbsp. Vinegar
2 tbsp. Cooking Oil
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.  Sa isang kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa mantika.  Halu-haluin hanggang sa medyo translucent na ang sibuyas.
2.   Ilagay na agad ang lechong manok, sarsa ng lechon, brown sugar, suka, toyo at paminta.   Takpan at hayaang kumulo.   Hayaan ng mga 5 minuto.
3.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!


Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy