PINAKBET con BAGNET
Specialty dish ng mga taga-Ilocos itong Pinakbet at Bagnet. May mga nabasa at napanood na din ako kung papaano nila ito niluluto at pinapasarap. Sa programang Umagang kay Ganda nga na feature pa nila na pinagsama ang dalawang dish na ito. Dun ko naisipan na gayahin ito at ito na nga ang kinalabasan. Yun lang nang-i-serve ko ito sa aking mga anak, natira sa plato ang mga gulay. Hehehehehe.
Para sa bagnet o lechon kawali narito ang link ng recipe: http://mgalutonidennis.blogspot.com/2015/01/lechon-kawali-my-best.html
PINAKBET con BAGNET
Mga Sangkap:
1/2 kilo Lechon Kawali o Bagnet (cut into cubes)
Halo-halong Gulay (kalabasa, sitaw, talong, okra, ampalaya, etc.)
1 cup Bagoong Alamang
5 cloves Minced Garlic
1 pc. large Onion (sliced)
2 pcs. Tomatoes (sliced)
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kawali o kaserola, igisa ang bawang, sibuyas at kamatis sa kaunting mantika.
2. Ilagay na din ang bagoong alamang at 1 tasang tubig. Hayaang kumulo.
3. Sunod na ilagay ang mga gulay na medyo matagal maluto kagaya ng sitaw at okra.
4. At isunod naman ang natitira pang ibang gulay.
5. Tikman ang sabaw at i-adjust ang lasa.
6. Huling ihalo ang hiniwang bagnet o lechon kawali.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!!
Comments