PORK SALPICAO
Ang Salpicao ay isang dish na pangkaraniwan ay beef o baka ang ginagamit. Yung pinakamalambot na karne ng baka ang tamang ginagamit dito. Pero alam naman natin na medyo may kamahalan ang beef tenderloin kaya dun sa mga medyo naba-budget pwede na din itong karne ng baboy.
The best sa pork version ng salpicao ay yung pork steak cut o yung marble cut na tinatawag. Ang mainam kasi dito, may kaunting layer ng taba ito na tamang-tama sa ganitong luto. Also, mas maraming bawang ay mas mainam.
Simpleng-simple lang talaga lutuin itong dish na ito, pero masarap at ang sosyal ng dating di ba? Try nyo din po.
PORK SALPICAO
Mga Sangkap:
1 kilo Marble Cut Pork (yung cut ng baboy na parang marble ang itsura)
1 can Whole Button Mushroom (hiwain sa dalawa)
2 head Minced Garlic
3 tbsp. Worcestershire Sauce
3 tbsp. Liquid Seasoning
1/2 cup Soy Sauce
1 tsp. Freshly Ground Black Pepper
Salt to taste
1/2 cup Melted Butter
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang non-stick na kawali o kaserola, i-prito ang bawang sa butter hanggang sa mag-golden brown ang kulay. Hanguin sa isang lalagyan.
2. Sa parehong lutuan, isangkutsa ang karne ng baboy na hiniwa muna ng pa-cubes. Timplahan ng kaunting asin at paminta. Takpan at hayaan ng mga 3 minuto.
3. Sunod na ilagay ang worcestershire sauce, toyo at sabaw ng button mushroom. Takpan at hayaang lumambot ang karne.
4. Kung malapit lang lumambot ang karne ilagay na ang hiniwang button mushroom. Halu-haluin.
5. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa. Kung gusto nyo na medyo masabaw pwedeng lagyan ng tubig pa.
6. Huling ilagay ang liquid seasoning.
7. Hanguin sa isang lalagyan at ibudbod sa ibabaw ang toasted garlic.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments
Lagi akong nakasubaybay sa blog ninyo at sobrang naiimpress po ako dahil sa dami ng inyong recipe at para bang hindi kayo nauubusan ng iluluto. Pwedeng pwede na kayo magsulat ng sarili nyong cookbook or e-recipe book. More power sa inyong blog at sana mas lalo pang lumawak ang reach ng site ninyo.
All the best,
Enz F | Pinoy Kusinero | http://www.pinoykusinero.com/