SUMMER ESCAPADE 2015

Last May 23 and 24, nagkaroon kami ng aking mga kasamahan sa trabaho ng summer outing sa Borawan Island Resort sa Pabilao, Quezon.


Medyo may kalayuan ang lugar na yun kaya naman alas-5 pa lang ng umaga ay umalis na kami ng Manila.   Sa may bandang Lucena na lang kami kumain ng almusal at pagkatapos noon ay tumuloy na ulit kami sa paglalakbay.

Bandang 11 na nang tanghali kami nakarating sa pantalan papunta sa aming destinasyon.   Ang problema, marami na daw tao sa Borawan at baka daw mahirapan kami makahanap ng place para mag-camping.   Kaya ang nangyari sa Dampalitan Island kami dinala ng bangkero na aming sinakyan.

Okay din naman ang Damplaitan Island.   Puti din ang buhangin at parang hindi pa talaga na-e-explore ang lugar na yun.

Agad kaming nag-handa para sa aming tanghalian dahil mag-a-alas-dose na noon.   Nagluto kami ng sinaing at nag-ihaw kami ng liempo.   Mayroon ding lechong manok na nabili naman namin sa daan papunta sa lugar.

Bandang alas-2 naman ay sinundo na muli kami ng bangkero na aming kausap para mag-island hopping.   Medyo may kalayuan din ang isla na yun na malapit sa Pagbilao Power Plant.    Madami din ang nagka-camping sa lugar na yun ng kami ay dumating.   Ang napansin ko lang sa resort na yun ay kung bakit ganun kainit ang tubig.   Maligamgam siya na para din lang tubig sa Pansol sa Laguna.   Pero nag-enjoy din naman kami lalo na dun sa kweba na tagusan sa kabila ng isla.

Papalubog na ang araw nang kami ay nakabalik sa Dampalitan Island.    Nag-ready naman kami para sa aming hapunan.   Hindi na kami masyadong nahirapan dahil may dala na kaming lutong ulam pa.   Nag-prito na lang kami ng talong at gumawa ng enseladang itlog na oula na may kamatis.   Adobong manok at binagoongang baboy ang aming hinapunan.

Lahat naman ay nasiyaha sa aming hapunan.  Ang sarap kasi nung talong na may bagoong at yung enselada.


Nagpahinga lang kami ng kaunti at nagsimula naman kaming mag-inuman.   Gumawa kami ng apoy sa may dalampasigan at nagkaroon ng kaunting katuwaan habang nag-iinuman.

2am na siguro din nang magpasya ang lahat na magpahinga na para sa panibagong araw kinabukasan.

Maaga akong nagising para mag-saing naman para sa aming almusal.   Corned beef, pritong tuyo at natira pang adobo ang aming inalmusal.

Bandang alas-9 naman ay sinundo na muli kami ng bangkero para pumunta naman ng Borawan island.   Inayos na din namin ang aming mga gamit para diretso na din kami pauwi sa bandang tanghali.

Maganda ang Borawan.   Para nga itong pinagsamang Boracay dahil sa maputing buhangin at Palawan naman dahil sa mga rock formation nito.

Nag-swimming din kami dito at syempre picture picture dahil sa ganda ng mga tanawin.


12 nang tanghali naman ay sinundo na muli kami ng bangkero para ibalik na sa pantalan pabalik na ng Manila.

Enjoy ang lakad naming ito sa Dampalitan at Borawan Island Resort.   The best sa mga mahilig mag-camping.  Do not expect better accomodation dahil wala nun dito.  

Till next......

Comments

Sid said…
Paano n'yo po natuklasan ang lugar na ito?
Dennis said…
Yung officemate ko ang naka-tuklas ng plafe na yan. May nag-o-offer din sa Metrodeal ba yun ng mga discounted packages papunta dun. Try mo i-google ang Borawan at6 marami kang makikitang info tungkol dun.

Thanks

Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy