ALAYAN SA BATANGAS 2015
Naging tradisyon na ng aking pamilya ang mag-sponsor ng isang gabi ng pag-aalay ng bulaklak sa Mahal na Birheng Maria sa San Jose Batangas.
Ang pag-aalay ng bulaklak para kay Mama Mary ay tradisyon nating mga Pilipino tuwing buwan ng Mayo. Sa amin sa Bulacan, 9 na araw naman ang nobena at sa huling araw ay ang prusisyon ng mga sagala o ang tinatawag nating Santakrusan o Flores de mayo.
Sa lugar ng aking asawang si Jolly sa San Jose, Batangas at sa maraming parte ng Batangas, ang buong buwan ng Mayo (araw-araw) ay nagkakaroon sila ng padasal at pag-aalay ng bulaklak sa Mahal na Birhen. Naka-toka sa pami-pamilya ang bawat araw at pagkatapos ng dasal ay nagkakaroon ng kaunting kainan kaloob na din kung sino ang sponsor sa gabing yun.
Nito ngang nakaraang Sabado May 30, kami ang na-toka na mag-sponsor. Italian style spaghetti ang aking inihanda at sinamahan ko na din ng egg and cheese sandwich at ice tea naman para panulak.
Marami ang dumalo nang gabing iyun. Naubos nga ang 3 kilos na spaghetti na aking niluto at ang 6 pack na large size tasty bread na ginawa kong sandwich. Nakakatuwa naman at nagustuhan ng lahat ang aking inihanda.
Dalangin ko na hanggat ako ay nabubuhay ay gagawin ko pa rin ang tradisyong ito hanggang sa abot ng aking makakaya. Ito ay bilang pasasalamat na din sa Diyos at sa panalangin ng Mahal na Birheng Maria para sa aking pamilya.
Hanggang sa muli........

Comments