BEEF TERIYAKI with YOUNG CORN

Sa panahon ngayon madali na ang magluto.   Kahit yung mga tradisyunal na pagkaing Pilipino ay kaydali na lang lutuin ngayon.   Bakit naman?   Marami na kasing available sa market ng mga instant sauces o marinade mixes na pwede nating gamitin.

Kahit yung mga pagkaing sikat sa ibang bansa ay pwede na din nating lutuin sa ating mga tahanan.   Kagaya na lang nitong Beef Teriyaki.   May mga marined mixes at sauces na na kapag iyong ginamit ay parang kumain ka na din sa isang mamahaling restaurant.   But ofcourse nasa sa iyo na din kung gusto mong i-adjust ang lasa base na din sa iyong panglasa.


BEEF TERIYAKI with YOUNG CORN

Mga Sangkap:
1 kilo karne ng Baka (hiwain ng manipis at sa nais na laki)
1/2 cup Bottled Teriyaki Sauce/Mixes
1/2 cup Soy Sauce
3 tbsp. Brown Sugar
Young Corn (cut into small pieces)
1 thumb size Ginger (cut into strips)
5 cloves Minced Garlic
1 large White Onion (sliced)
Salt and pepper to taste
1 tbsp. Cornstarch
3 tbsp. Cooking Oil
Spring Onion (chopped)

Paraan ng pagluluto:
1.   I-marinade ang hiniwang karne ng baka sa Teriyaki sauce ng 1 oras.   Overnight mas mainam
2.   Sa isang heavy bottom na kaserola, igisa ang luya, bawang at sibuyas sa mantika.
3.  Ilagay na agad ang minarinade na karne ng baka.   Halu-haluin at hayaang masangkutsa.
4.   Timplahan ng toyo, brown sugar, kaunting asin at paminta.   Takpan at hayaang lumabot ang karne.   Maaring lagyan ng tubig kung kinakailangan.
5.   Kung malambot na ang karne ilagay na ang young corn.   Hayaang maluto ng mga 5 minuto.
6.   Huling ilagay ang cornstarch na tinunaw sa tubig para lumapot ang sauce.
7.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
8.   Hanguin sa isang lalagyan at ilagay sa ibabaw ang chopped spring onion.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!


Comments

Anonymous said…
Hi Sir...I just used your recipes for a school project..you know to show different kinds of dishes for vegetables, meat and desserts..sorry I didnt ask for your permission first..Thanks in Advance is what I can say...hehehe..I hope one day I can cook most of your recipes..Im also from san jose, batangas..tnx again! more power sir!
Dennis said…
Hello...walang problema sa akin as long as hindi ito for public consumption or kokopyahin into another blog. Mainam nga at nakatulong pala ako para sa project mo. Request ko na lang to continue supporting my blog.

Try to visit also my mirror site at www.mgalutonidennis.com Paki-click na din ang mga ADS para kumita naman ako.

Thanks again

Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy