@ BUFFET 101 GLORIETTA

Last Sunday after naing mag-simba, dumiretso kami sa Buffet 101 sa Glorietta.   May nabili kasi akong discounted voucher at bilang treat sa aking mga anak bago mag-start ang kanilang schooling ay dito ko sila dinala.

Gulat na gulat talaga ang bunso kong anak na si Anton sa dami ng pagkain.   Sabi ko nga sa kanyan, tingnan niya muna ang lahat at saka kumuha.   Alam ko kasi na mahihina naman silang kumain.
 
 Kahit ako naman ay hindi na ganoon kalakas kumain.   Na-adjust na siguro ang aking bituka after ng aking no-rice diet nitong nakaraang buwan.

Ito ang starter na aking kinain.   Ibat-ibang klaseng maki at tempura.   Kumuha din ako ng siomai at iba pang dumplings.

 Ito naman ang kinuha ko for the main course.   May pizza, hipon, stuffed crabs, peking duck roll, fitta bread, pork tenderloin at iba pa.

 At tinapos ko sa dessert na ito.  Macau Egg Tart, Cream Brulee at slices ng prutas.

 Malulula ka talaga sa dami ng food.   Sa mga sushi at maki pa lang ay solve na solve ka na.

Daming choices na mix ng Japanese, Korean at Chinese Cuisine.

Marami ding mga klase ng salads at cold appetizers.

Maging sa seafoods ay okay din.

Sa dessert magsawa ka sa fresh fruits, cakes at panna cottas.

Kahit saan mo ibaling ang paningin mo, mabubusok ka sa dami ng pagkain.

Hindi ko na nga na-try ang lechon de leche at roast beef nila,  haayyyy!!!

Siguro kung kakain ka sa ganitong resto, dapat paghandaan mo talaga para masulit ang ibinayad mo.   Imagine from Monday to Friday P699 per head ang bayad at P899 kung Saturday at Sunday.

Medyo may kamahalan ang ibinayad, pero okay lang.   Ang dami namang food na nagpag-fiestahan.   hehehehe.

Sa uulitin.


Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy