CHICKEN HAMONADO

Another chicken dish na napakadali lang lutuin at kahit mga baguhan pa lang sa pagluluto ay kaya na itong lutuin.  Itong Chicken Hamonado.   Actually, para din lang siyang pininyahang manok pero ang isang ito ay walang gatas o cream.

For me mas masarap ito kung kinabukasan na kakainin.  Mas malinamnam yung laman ng manok sa sauce.   Try nyo din po.



CHICKEN HAMONADO

Mga Sangkap:
1 kilo Chicken Thigh and Legs
1 small can Sweetened Pine Apple Juice
1 medium can Pine Apple Chunks
1/3 cup Soy Sauce
1 large Onion (chopped)
1 head minced Garlic
2 tbsp. Brown Sugar
2 tbsp. Cooking Oil
1 tsp. Cornstarch
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   I-marinade ang manok sa pineapple juice, asin, paminta, bawang at sibuyas ng overnight.
2.   Sa isang heavy bottom na kaserola ilagay ang minarinade na manok at pakuluan.
3.   Ilagay na din ang toyo at brown sugar.   Hayaan ng mga 5 minuto.
4.   Ilagay ang  pineapple chunk kasama ang syrup nito.
5.  Tikman ang sauce at i-adjsut ang lasa.
6.   Huling ilagay ang tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy