CREAMY PORK CHOPS BISTEK

Napanood nyo ba yung isang brand ng all purpose cream kung saan inilahok ito sa beef steak o bistek?   Doon ko nakuha ang inspirasyo para sa dish na ito for today.   Pero sa halip na baka na medyo may kamahalan, pork chops naman ang aking ginamit.

Kung masarap na ang nakasanayan natin na bistek, mas masarap ang version na ito.  Mas malinamnam ang sauce at mapapadami ka talaga ng kanin pag ito ang ulam mo.  Try nyo din po.


CREAMY PORK CHOPS BISTEK

Mga Sangkap:
1 kilo Pork Chops
1 tetra brick All Purpose Cream
1/2 cup Soy Sauce
10 pcs. Calamansi
1 head Minced Garlic
2 pcs. large White Onions (cut into rings)
1/2 tsp. Maggie Magic Sarap (optional)
Salt and pepper to taste
3 tbsp. Cooking Oil

Paraan ng pagluluto:
1.   Timplahan ang pork chops ng asin at paminta.
2.   Sa isang non-stick na kawali, i-brown ng bahagya ang pork chops sa kaunting mantika.
3.   Sa parehong kawali, i-prito ng bahagya ang onion rings.   Hanguin sa isang lalagyan.
4.   I-prito na din dito ang bawang hanggang sa mag-golden brown.   Hanguin sa isang lalagyan.
5.   Ibalik sa kawali ang na-brown na pork chops at lagyan ng toyo at mga 2 tasang tubig.   Takpan at hayaang maluto hangang sa lumambot ang pork chops.
6.   Kung malambot na ang pork chops, ilagay na ang katas ng calamansi at maggie magic sarap.
7.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
8.   Huling ilagay ang all purpose cream.  Hintayin lang kumulo at patayin na ang kalan.
9.   Hanguin sa isang lalagyan at ilagay sa ibabaw ang nilutong onion rings at toasted garlic.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy