ISANG PASASALAMAT...

Yesterday June 24, nagdaos kami sa aming tahanan ng isang simpleng pasasalamat sa Diyos sa panibagong biyaya at sa marami pang biyaya na ipinagkaloob Niya sa amin sa araw-araw.


Inimbitahan ko ang aming mga kapamilya at matatalik na kaibigan sa isang simpleng pananghalian.   Nakakatuwa naman at dumatig lahat sila.

Dumating ang aking mga kaibigan...ang aking mga kapatid at marami pang-iba.

Nakakatuwa dahil kahit simpleng araw ito ay naglaan pa rin sila ng oras at panahon para makapunta sa aming tahanan.

Maging ang mga kaibigan ng aking mga anak ay nagsipuntahan din.

Syempre bilang pasasalamat naghanda ako ng mga espesyal na pagkain para sa aming mga bisita.

May Roasted Chicken in Sinigang Mix....

Cream Dory Fillet with Mayo-Catsup Dip.

Lumpiang Shanghai with Embotido Filling.

..at Pork Hamonado Roll.

For the desset...gumawa ako ng espesyal na Maja Mais.  This time nakuha ko ang texture na gusto ko.

Mayroon ding Leche Plan na dala naman ng aking hipag na si Ate Pina.

Tunay na marami tayong dapat na ipagpasalamat sa Diyos.   Hindi lamang sa buhay nating taglay kundi sa mga biyaya na patuloy na dumadaloy sa atin sa araw-araw.   Kasama na rin syempre ang mga mahal natin sa buhay.

Amen


Comments

Anonymous said…
Hi Sir, pasensiya na ngayon lang ako naka-browse ulit ng site niyo. Sobrang busy lang po kaya wala masyado time tingnan mga posts. I am so happy for you. Napansin ko po na nag-iba na ang house niyo. Ang ganda! Mukhang ito po ang pinagpasalamat ninyo ah, hehe. I am so happy for you. Hope that you have overcome all your trials. God bless us and our families!....Mommy Marie
Dennis said…
Yes Mommy Marie this is our new condo...sa awa ng Diyos ay nalampasan din namin ang mga trials na yun.....lubos talaga ang pasasalamat ko sa Kanya.
Anonymous said…
Thank God at nalagapasan ninyo ang trials. Ako po, matindi pa rin ang pinagdaraanan but with God's help, I hope I can get over the hardships soon. God bless po. Keep your yummy recipes coming...Mommy Marie
Dennis said…
Malalampasan mo yan mommy marie.....more and more prayers.....wag kang bibitaw sa Kanya. I will pray for you also.

Regards,

Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy