LECHON MACAU


Ang Lechon Macau ay para din lang yung Lechon Kawali natin.   Ang pagkakaiba lang nito ay nilalagyan pa ng 5 spice powder ang lechon Macau na nagbibigay pa ng extra flavor sa karne.

Sa isang restauran sa makati ko lang unang natikman ang dish na ito at nagustuhan ko naman.   Naisipan kong hanapin ang recipe nito sa net para kako magaya ko at matikman din ng aking pamilya.   Yun nga madali lang itong gawin at level-up na version ng ating lechong kawali.   Try nyo din po.


LECHON MACAU

Mga Sangkap:
1.5 kilos Pork Belly (piliin yung manipis lang ang taba)
2 pcs. Dried Laurel Leaves
1 tsp. Freshly Crack Black pepper
1 pc. Onion (quartered)
1 head Garlic
2 tbsp. Rock Salt
1/2 cup 5 Spice Powder

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang heavy bottom na kaserola, pakuluan ang pork belly sa tubig na may asin. paminta, bawang, sibuyas at dahon ng laurel.   Pakuluan ito hanggang sa lumambot ang karne.   Palamigin.
2.   Kung malamig na tusuk-tusikin ang balat na parte ng karne ng tinidor.
3.   Ipahid sa paligid ng karne ang 5 spice powder.   Hayaan muna ng mga 30 minuto o higit pa.
4.   Lutuin sa oven o sa turbo broiler sa pinaka-mainit na setting hanggang sa mag-pop ang balat.
5.   Palamigin muna bago i-slice.

Ihain na may kasamang lechon sauce o suka na may toyo, bawang at sibuyas.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy