MAJA MAIZ - Ang Gusto kong texture
Ilang beses na din akong nakapagluto nitong Maja Maiz na ito. Although, masarap naman talaga ang pagkaluto nito, hindi pa rin ako satisfied sa texture ng finished product. Kaya ang ginawa ko, nag-adjust ako sa sukat ng mga sangkap at tinandaan ko talaga. Madalas kasi tantya-tantya lang ang aking ginagawa.
Ito pala ang dessert na aking inihanda sa espesyal na pananghalian na ginawa ko last June 24. Ni-request kasi ito ng aking mga kaibigan at pinagbigyan ko naman sila. Kaya ayun, ilang araw na ay topic pa din ang masarap na Maja Maiz na ito. hehehehe
MAJA MAIZ - Ang Gusto kong texture
Mga Sangkap:
200 grams Cornstarch
1 can (370ml) Alaska Evaporated Milk
2 tetra brick Alaska Crema
1 can (370ml) Coconut Milk
1 can (425grams) Whole Kernel Corn
Grated Cheese
White Sugar to taste (about 2 cups)
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola, pakuluin ang gata, whole kernel corn na kasama ang sabaw, evaporated milk at asukal ayon sa inyong panlasa.
2. Tunawin ang cornstarch sa 1 can (370ml) na tubig.
3. Kapag kumulo na ang gata at gatas, ilagay na ang tinunaw na cornstarch. Haluin nang haluin.
4. Kapag lumapot na ang pinaghalong sangkap, hinaan ang apoy at ilagay ang Alaska Crema o all purpose cream. Patuloy na haluin hanggang sa mahalo ang cream sa lahat ng sangkap.
5. Isalin sa hulmahan (plastic dish container)
6. Ibudbod sa ibabaw ang grated cheese habang mainit pa.
Palamigin muna bago i-serve.
Enjoy!!!!!
Comments