PANCIT LOMI GUISADO with LECHON KAWALI

Pasensya na po kung hindi ako nakakapag-post ng bagong recipe nitong mga nakaraang araw.   Medyo busy lang po sa work at sa isang project para sa aking pamilya.

Nitong huling uwi namin sa San Jose Batangas, nakabili ako ng 1 kilo ng lomi noodles.   Isa lang ang nasa isip ko na luto nung bilhin ko ang noodles na ito.   Ang Pancit Lomi Guisado.   para lalo pa itong maging katakam-takam, nilagyan ko pa ito ng toppings na lechon kawali na ulam naman namin ng nakaraang araw.   Kaya isang pancit overload ang kinalabasan ng aking pancit.   Winner talaga!!!!



PANCIT LOMI GUISADO with LECHON KAWALI

Mga Sangkap:
1 kilo Lomi or Egg Noodles
1/2 kilo Chicken Liver (cut into small pieces)
Lechon Kawali (cut into cubes)
2 pcs. Chicken Cubes
1 pc. Carrot (cut into strips)
100 grams Baguio Beans (cut into strips)
Repolyo (cut into strips)
1 cup Evaporated Milk
5 cloves Minced Garlic
1 pc. Onion (sliced)
2 tbsp. Cooking Oil
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang wok o kawali, igisa ang bawang at sibuyas sa mantika.
2.   Sunod na ilagay ang hiniwang atay ng manok at timplahan ng kaunting asin at paminta.   Halu-haluin.
3.   Lagyan ng 1 tasang tubig at chicken cubes at hayaang kumulo.
4.   Sunod na ilagay ang carrots at Baguio Beans.  
5.   Kung malapit nang maluto ang gulay, ilagay na ang lomi noodles at ang evaporated milk.
6.  Tikman ang sabaw at i-adjust ang lasa.
7.   Huling ilagay ang repolyo.   Halu-haluin.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Sid said…
Para saan po ang evaporated milk? Di po ako magaling magluto, kaya gusto kong matuto. Ngayon lang ako naka-encounter ng pansit na nilalagyan ng evap. Pero mukhang masarap.
Dennis said…
That's the twist Sid....Makakadagdag ng sarap yung evaporated milk sa pancit mo. Sa amin sa Bocaue nilalagyan din nila ng evaporated milk maging ang pancit bihon. mas malinamnam ang nagiging lasa ng pancit.
Sid said…
Salamat! i will definitely try that. thanks for the tip.
Dennis said…
Thanks also Sid....please continue supporting my food blog.


Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy