HAINANESE CHICKEN

Ito ang isa sa mga dish na niluto ko para sa birthday ng aking asawang si Jolly.   Hainanese Chicken.

Dapat sana Roasted Chicken ang gagawin komo madali lang itong lutuin at hindi na kailangan pang bantayan bahang niluluto.   Basta tama lang ang marinade mo sa manok at i-set mo ng 45 minutes sa turbo broiler ay okay na.

Pero nung sabihin ko sa may birthday na ito nga ang lutong gagawin ko, nag-request siya na hainanese chicken nga ang gawin kong luto. 

Madali lang naman magluto ng Hainanese Chicken.   Ang importante lang dito ay yung tamang proseso ng pagluluto at yung mga sauce na ipapares mo dito.   Nakakatuwa dahil masarap at nagustuhan naman ang aking niluto.   I-try nyo din po.



HAINANESE CHICKEN

Mga Sangkap:
1 Fresh Whole Chicken (about 1.5 kilograms)
2 thumb size Ginger (pounded)
3 stem Leeks
2 pcs. Onion (sliced)
3 tbsp. Rock Salt
1 tsp. Whole Pepper Corn
1 tbsp. Sesame Oil
For the sauce:
1/2 cup Hoisin Sauce
1/2 cup Chili-Garlic Sauce
2 tbsp. Grated ginger mixed with 2 tbsp. Peanut Oil

Paraan ng pagluluto:
1.  Hugasang mabuti ang manok at tuuin gamit ang paper towel.
2.  Kiskisan ng rock salt ang paligid ng katawan at loob ng manok.
3.  Ipasok sa loob ng manok ang 1 pinipit na luya at mga leeks.
4.  Sa isang heavy bottom na kaserola, ilagay ang manok, sibuyas 1 pang pinitpit na luya, pamintang buo, asin at tubig.   Dapat ang lalim ng tubig ay lubog ang katawan ng manok.
5.   Pakuluan ito sa loob ng 30 hanggang 45 na minuto.  
6.   Hanguin ang manok at ilubog naman sa isang bowl na may ice cubes at tubig.   Ice bath ang tawag dito.   Hayaang ng mga 5 minuto na nakalubog at saka i-drain.
7.   Ipahid sa katawan ng manok ang sesame oil at saka i-slice gamit ang matalim na kutsilyo.

Ihain kasama ng mga sauce na nabanggit.

Enjoy!!!!


Comments

Anonymous said…
thank you for this recipe. i'm still a little intimidated to cook it. i shall attempt one of these days. yung boiling na step, rolling boil po ba o simmer lang? thanks again.
Unknown said…
This comment has been removed by the author.
Unknown said…
pano kong turbo broiler ang gagamitin mo? Anong temperature at ano procedure after ilagay ang leeks and luya sa loob ng manok?
Dennis said…
Boiling....pero kapag kumulo na hinaan mo na ang apoy to medium.
Dennis said…
Turbo broiler? Roasted chicken na yun.....not this recipe. Please look at the arcive for roasted chicken.

Thanks Al,

Anonymous said…
Sir, gusto kong i-try ito. Alam niyo po ba how to do the ternong hainanese rice kasi masarap din po yun eh. Thank you...Mommy Marie
Dennis said…
Mommy Marie madali lang yan. Yung pinaglagaan mo ng chicken salain mo lang at yun ang ipangtubig mo sa sinaing mo. Just make sure lang na tama lang yung alat nung sabaw. Yun na yun. :)

Dennis
Anonymous said…
Hello! Any substitute for the peanut oil? masyado kasi syang mahal. Thanks.. Bong
Dennis said…
Hi Bong.... Olive oil or just ordinary oil na may kaunting sesame oil will do.

Dennis
Unknown said…
yes.. answered my question.. thanks for this recipe..

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy