HAINANESE CHICKEN
Dapat sana Roasted Chicken ang gagawin komo madali lang itong lutuin at hindi na kailangan pang bantayan bahang niluluto. Basta tama lang ang marinade mo sa manok at i-set mo ng 45 minutes sa turbo broiler ay okay na.
Pero nung sabihin ko sa may birthday na ito nga ang lutong gagawin ko, nag-request siya na hainanese chicken nga ang gawin kong luto.
Madali lang naman magluto ng Hainanese Chicken. Ang importante lang dito ay yung tamang proseso ng pagluluto at yung mga sauce na ipapares mo dito. Nakakatuwa dahil masarap at nagustuhan naman ang aking niluto. I-try nyo din po.
HAINANESE CHICKEN
Mga Sangkap:
1 Fresh Whole Chicken (about 1.5 kilograms)
2 thumb size Ginger (pounded)
3 stem Leeks
2 pcs. Onion (sliced)
3 tbsp. Rock Salt
1 tsp. Whole Pepper Corn
1 tbsp. Sesame Oil
For the sauce:
1/2 cup Hoisin Sauce
1/2 cup Chili-Garlic Sauce
2 tbsp. Grated ginger mixed with 2 tbsp. Peanut Oil
Paraan ng pagluluto:
1. Hugasang mabuti ang manok at tuuin gamit ang paper towel.
2. Kiskisan ng rock salt ang paligid ng katawan at loob ng manok.
3. Ipasok sa loob ng manok ang 1 pinipit na luya at mga leeks.
4. Sa isang heavy bottom na kaserola, ilagay ang manok, sibuyas 1 pang pinitpit na luya, pamintang buo, asin at tubig. Dapat ang lalim ng tubig ay lubog ang katawan ng manok.
5. Pakuluan ito sa loob ng 30 hanggang 45 na minuto.
6. Hanguin ang manok at ilubog naman sa isang bowl na may ice cubes at tubig. Ice bath ang tawag dito. Hayaang ng mga 5 minuto na nakalubog at saka i-drain.
7. Ipahid sa katawan ng manok ang sesame oil at saka i-slice gamit ang matalim na kutsilyo.
Ihain kasama ng mga sauce na nabanggit.
Enjoy!!!!
Comments
Thanks Al,
Dennis
Dennis