INAY ELO 91st BIRTHDAY CELEBRATION

Last July 19 nagkaroon ng salo-salo sa bahay ng aking mother in law na si Inay Elo para sa kanyang ika-91 na kaarawan.   Actually, June 24 ang birthday niya, nito lang July 19 nga nagkaroon ng salo-salo dahil hinintay pa ang pagdating ng isa niyang anak na si Lita galing ng ibang bansa.   Siya din kasi ang bale pasimuno ng salo-salo na ito.

Nag-ambag-ambag na din ang iba pang magkakapatid para sa ikasasaya ng may kaarawan.

Sa aming pamilya, nagpaluto ako sa aking kapatid nitong Fish Fillet with Mayo-Garlic Sauce.

Ito ring Rellenong Bangus ay isa pa sa mga pinaluto ko.

Nag-patay ng 1 baboy na may timbang na 83 kilos at isa sa mga putahe na niluto ay itong Kalderetang Baboy.

Sa handaan sa kanila ay hindi din nawawala itong Afritadang Baboy.

...at itong Pocherong Baboy din.

Espesyal ang luto nitong Morcon nila na sa amin naman sa Bulacan ay Embotido ang tawag.    Sa version nila, ibinabalot nila ito sa dahon at pagkatapos ay ini-steam.   Kapag malamig na ay saka naman ito inaalais sa dahon at pini-prito.

Nagpagawa sa akin nitong Lumpiang Shanghai ang host ng salo-salo.   Bale ang palaman na ginamit ko ay yung parte ng embotido na niluto at dinagdagan ko na lang ng grated cheese at sweet pickle relish.

Mayroon din nitong Pork Asado at nagustuhan ko ang timpla at Pinalabuan na hindi ko na nakuhanan ng picture.

Mawawala ba ang Lechon sa ganitong klase ng kasayahan.   Ang sarap nito.   bagong luto pa ng idinating at crispy na crispy ang balat.

Dumating sa salo-salo ang aking mga kamag-anak sa Bulacan na kinabibilangan ng aking Tatang Villamor, Ate Mary Ann, Shirley at aking mga tiya.

Present syempre ang mga apo ng may birthday.

Hindi mailarawan ang kasiyahan ng matanda.   Yun lang medyo kulang din daw ang saya niya dahil kulang sa okasyon ang kanyang mga anak.

Marami ang dumalo sa salo-salong ito.   Marami ay nanggaling pa sa malayong lugar.   Naglaan talaga sila ng oras para sa espesyal na okasyong ito.

Dalangin ko na sana ay makapagdiwang pa ng maraming kaarawan ang aming Inay Elo.   Magkaroon siya ng malusog na pangangatawan at ilayo sa mga karamdaman.

Till next.

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy