LUMPIANG SHANGHAI with EMBOTIDO STUFFING
Ito ang isa pang dish na niluto ko nitong tanghaliang pasasalamat last June 24. Lumpiang Shanghai with Embotido Stuffing.
Pangkaraniwang alam nating palaman ng lumpiang shanghai ay giniling na may kasamang carrotso kung minsan naman ay nilalagyan din natin ng singkamas. Okay din naman yun. Pero kahit ano naman ay pwede nating ilagay sa ating paboritong lumpia. Yung iba nga hinimay na laman ng isda naman ang inilalagay.
In this version, yes, embotido mix ang aking inilagay. Okay na okay ito dahil masarap naman talaga ang embotido at pnalong-panalo sa mga handaan. Okay din sa budget dahil 1 kilo lang na giniling ay marami ka nang magagawa. Try nyo din po.
LUMPIANG SHANGHAI with EMBOTIDO STUFFING
Mga Sangkap:
1 kilo Ground Pork
1 large Carrot (cut into small cubes)
1 can Luncheon Meat - Maling (cut into small cubes)
1 cup Sweet Pickle relish
4 pcs. Fresh Eggs
2 cups Flour
2 pcs. White Onion (chopped)
1 cup Banana Catsup
2 tbsp. Brown Sugar
1 tsp. Ground Black Pepper
1 cup Raisins
1 tbsp. Worcestershire Sauce
Salt to taste
Lumpia Wrapper
Cooking Oil for frying
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang bowl, paghaluin ang lahat na mga sangkap maliban sa lumpia wrapper at cooking oil. Hayaan muna ng 1 oras bago balutin.
2. Balutin ang pinaghalong sangkap sa lumpia wrapper sa nais na laki. Lagyan ng binating itlog ang dulong side ng wrapper para dumikit at hindi bumuka pag piniprito na.
3. I-prito ito ng lubog sa mantika hanggang sa mag-golden brown ang kulay. Hanguin sa isang lalagyan na may paper towel.
Ihain habang mainit pa na may kasamang sweet-chili sauce o catsup.
Enjoy!!!!

Comments