MY WIFE JOLLY'S BIRTHDAY CELEBRATION

Last Friday July 17, ipinagdiwang namin ang kaarawan ng aking asawang si Jolly sa aming tahanan sa isang simple pero masayang araw.   Wala namang expected na bisita pero naghanda pa rin ako kahit papaano ng espesyal na almusal at tanghalian.

 Tamang-tama naman yung araw dahil natapat ito na non-working holiday sa pagdiriwang na din ng pagtatapos ng Ramadan ng mga Muslim.   Wala kaming pasok pati na din ang mga bata.

 Sa almusal, nagluto ako ng espesyal na no-bake lasagna.   No bake komo wala naman kaming oven para paglutuan nito.   Okay din naman at masarap pa rin talaga ang kinalabasan ng aking lasagna.

After ng aming masarap na almusal, may tumawag sa aking asawa para bumati sa kanyang kaarawan at niyaya niya ito na pumunta sa aming tahanan.   So yung original na menu para sa aming tanghalian ay nabago at napagpasyahan kong pumunta pa sa palengke para bumili pa ng pandagdag na lulutuin.

 So ang ang mga niluto ay ang mga sumusunod:    Yung Baked Tahong na nasa itaas.  Itong Hickory Pork Belly.

 Hainanese Chicken na personal na request ng may birthday.

 Shrimp with Chili-Garlic Sauce.

Ibinili naman ng aking mga anak ng cake ang kanilang ina.   Take note, Contis pa ang cake na kanilang binili.  Hehehehe.   Nakabili din naman ako ng pakwan at pinya para dessert.

Masaya kaming nananghalian na medyo late na.  I think mga 12:30 na din yun.

 Patapos na kami ng aming pagkain ng dumating naman ang mga kaibigan ng aking asawa.   Nakakatuwa dahil naglaan pa talaga sila ng oras para pumunta sa amin.

At syempre, hindi mawawala ang sariwang oras na hindi ko nakakalimutan ibigay tuiwng kanyang kaarawan.

Dalangin ko na magkaroon pa ng maraming kaarawan ang aking asawang si Jolly.... at sanay bigyan pa siya ng lakas at magandang kalusugan...at patuloy na ingatan sa araw-araw lalo na sa pagpasok niya sa kanyang trabaho.   Patuloy sanang maghari ang pagmamahalan sa aming pamilya.

Amen.

'Till next......


Comments

Anonymous said…
kayo po ang nagluto ng hainanese? sana po mai-post n'yo ang recipe. belated happy bday, ms jolly. at parang bago po ang bahay ninyo. hehe. more power to your lovely family. -kim
Dennis said…
Thanks Kim....yes ako nagluto ng hainanese chicken....madali lang naman lutuin yan....abangan mo...sa Thursday ko ata mapo-post yung recipe.

Thanks again

Dennis
Anonymous said…
Belated po kay Mrs. Parang ang sasarap na naman ng luto ninyo. And take note Sir, ang aliwalas ng inyong tahanan, type ko. Many more blessings for you and your family!...Mommy Marie
Dennis said…
Salamat Mommy Marie...Isa ka na sa maraming nagsabi ng ganyan. Sana nga ay tuloy-tuloy na ito.....para na din sa mga anak ko.
Unknown said…
sir dennis avid follower nyo po ako kahit sa fb.....belated po sa asawa nyo.at Godbless sa inyo.salamat ng marami sa mga recipes nyo.
Dennis said…
Salamat Melvin....please continue supporting this blog of mine.

Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy