PORK HAMONADO ROLL
Narito ang isa pa sa main dish na niluto ko sa thanksgiving lunch na inihanda ko nitong nakaraang June 24. Pork Hamonado Roll.
May isang nag-email sa akin na nagtatanong ng recipe ng pork hamonado. Gusto niyang matutong magluto dahil sa mga fiesta o handaan lang siya nakakatikim nito.
In this version, yung tradisyunal na naka-roll ang aking ginawa. Nilagyan ko din ng hotdog sa gitna para mas maging katakam-takam kapag na-slice na ito. Tunay ka na nasarapan talaga ang mga kumain ng hamonado na ito. Naubos talaga...hehehehe.
PORK HAMONADO ROLL
Mga Sangkap:
1 kilo Pork Kasim or Pigue (Ipahiwa ng manipis at buo. Sa isang kilo makakagawa ng 3 roll)
1 small can Pineapple Juice
Hotdogs
Brown Sugar
1/2 cup Soy Sauce
2 pcs. Red Onion (chopped)
Salt and pepper to taste
1 tsp. Cornstarch or Flour
Paraan ng pagluluto:
1. Timplahan ng asin at paminta ang ini-sliced na karne ng baboy.
2. I-marinade ito sa pineapple juice kasama ang hiniwang sibuyas. Hayaan ng overnight sa fridge o higit pa.
3. Ilatag sa isang bandehado ang minarinade na karne. Ilagay sa kabilang dulo ang hotdog at saka i-roll ng mahigpit. Talian para hindi bumuka ang laman kapag niluluto na.
4. Ilagay sa isang heavy bottom na kaserola ang ini-roll na karne at isama na din ang marinade mix, toyo at brown sugar
5. Lutuin ito sa katamtamang lakas ng apoy hanggang sa maluto.
6. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
7. Huling ilagay ang tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce.
8. Hanguin ang nilutong karne at palamigin. Alisin ang tali at saka i-slice sa nais na kapal. Ilagay sa isang bandehado.
9. Ilagay sa ibabaw ang sauce bago i-serve.
Enjoy!!!!

Comments