PORK POCHERO ESPESYAL
Isa sa mga paborito kong pork dish itong Pochero. Gustong-gusto ko kasi yung sauce nito na nag-aagaw ang tamis, asim at alat. Nandun din lasa ng chorizo na nakadagdag ng flavor sa kabuuan ng dish. And ofcourse gusto ko yung medlry ng gulay na nakasahog dito.
Nagluto ako nito nitong nakaraang Biyernes. Ayos na ayos kako ito dahil maulan ang panahon at tamang-tama yung sabaw nito sa mainit na kanin. At syempre, tiyak na taob na naman ang kaldero ng kanin nito. But expect na ako ang uubos ng mga gulay. Pahirapan talagang magpakain ng gulay sa mga bagets....hehehehe
PORK POCHERO ESPESYAL
Mga Sangkap:
1 kilo Pork Belly o Liempo (cut into cubes)
3 pcs. Chinese Chorizo or Sausages (sliced)
5 pcs Saging na Saba (cut into 3 parts each)
3 pcs. Sweet Potato o Kamote (cut into cubes)
Pechay Tagalog
Repolyo
Baguio Beans
1 can Garbansos
1 tetra pack Tomato Sauce
5 cloves Minced Garlic
1 large Onion (sliced)
3 tbsp. Brown Sugar
2 tbsp. Cooking Oil
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang heavy bottom na kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa mantika.
2. Ilagay na agad ang karne ng baboy at timplahan ng asin at paminta. Halu-haluin. Takpan at hayaang masangkutsa.
3. Lagyan n 4 cups na tubig at takpan muli para maluto at lumambot ang karne. Kung kailan pa ng tubig maaari itong lagyan pa.
4. Kung malapit nang lumambot abng karne, ilagay na ang kamote, saging na saba at tomato sauce. Takpan muli at hayaang maluto ang kamote.
5. Sunod na ilagay naman ang garbanson, Baguio beans at brown sugar. Halu-haluin.
6. Huling ilagay ang pechay at repolyo, Halu-haluin
7. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments