CHIZZA ala DENNIS

Madalas ba kayong kumain sa KFC?   If yes for sure alam nyo itong bagong product nila.   Ang Chizza.

Hindi ko pa na-try ang Chhizza na ito.  Pero sa picture pa lang, sa tingin ko, it's a breaded chicken fillet with pizza sauce and toppings just like the pizza we love.

Sinubukan kong gayahin ito sa bahay at ito na nga ang kinalabasan.   Nag-baon nito ang aking asawang si Jolly at nagustuhan ngad aw ng mga officemate niya.   I-try nyo din po.



CHIZZA ala DENNIS

Mga Sangkap:
4 pcs. Whole Skinless chicken Breast Fillet (cut into half)
1/2 cup Flour
1/2 cup Cornstarch
1/2 tsp. 5 Spice Powder

2 cups Pizza Sauce (Italian style)
Grated cheese
Red Bell Pepper (cut into small cubes)
White Onion (cut into rings)
5 cloves MInced Garlic
Pepperoni
Cooking Oil for Frying

Paraan ng pagluluto:
1.   Pitpitin ang chicken breast fillet gamit ang kitchen mallet hanggang sa medyo numipis.
2.   Timplahan ng asin at paminta at hayaan ng mga 30 minuto.
3.  Paghaluin ang harina, cornstarch at 5 spice powder sa isang bowl.
4.  Balutin ng ginawang breading mix ang bawat piraso ng manok.
5.  I-prito ito sa mainit na mantika hanggang sa mag-golden brown ang kulay.   Hanguin sa isang lalagyan.
6.  Magtira lamang ng mga 2 kutsarang mantika sa kawali.
7.   I-prito ang red bell pepper ng ilang sandali.   Ganun din ang gawin sa white onion rings.

8.   Igisa ang bawang at ilagay na din agad ang pizza sauce.  Halu-haluin.
9.   Timplahan ng kaunting asin at paminta ayon sa inyong panlasa.
10.   To assemble:   Lagyan ng pizza sauce ang ibabaw ng piniritong manok.   Ilagay din sa ibabaw ang nilutong red bell pepper, onion rings, pepperoni at budburan ng grated cheese.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!


Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy