COFFEE JELLY ni DENNIS

First time ko pa lang gumawa nitong Coffee Jelly na ito.   Gumawa ako nito para dessert nitong nakaraang kaarawang birthday ng pangalawa kong anak na si James.   Wala akong sinundan na recipe.   Basta tantya-tantya lang ang ginawa ko.   Pero wag ka, kahit ako ay nagulat sa kinalabasan ng dessert na ito.   Masarap.   Parang yung coffee jelly na drink din na nabibili natin sa Starbucks.   Kulang na lang siguro ay yung whip cream na inilalagay sa ibabaw.   Hehehehe.   Try nyo din po.


COFFEE JELLY ni DENNIS

Mga Sangkap:
2 sachet Mr. Gulaman Powder (colorless)
10 grams Instant Coffee (Great Taste)
1 tetra brick All Purpose Cream
1 tetra brick Condensed Milk
Sugar to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Magpakulo ng 5 na basong tubig sa isang kaserola.
2.   Kapag kumulo na ilagay naman ang tinunaw na kape sa 1 tasang tubig.
3.   Ilagay na din ang asukal.   1 cup siguro.
4.   Ilagay na din ang Mr. Gulaman Powder na tinunaw sa 2 tasang tubig.    Halu-haluin para hindi magbuo-buo.
5.   Isalin sa isang square na hulmahan at palamigin.
6.   Hiwain ang gulaman ng pa-cubes ayon sa nais na laki.  Ilagay sa isang bowl.
7.   Ihalo ang condensed milk at all purpose cream
8.   I-chill muna sa fridge.

Ihain na medyo malamig.

Enjoy!!!!





Comments

Anonymous said…
thanks for this recipe. just wanted to clarify, bale walang coffee doon sa liquid mixture? kakulay kasi siya ng cafe mocha. excited to try this!
Dennis said…
No nandun. Please read #2. Bale gumawa ka muna ng nilagang kape tapos nilagyan lang ng tinunaw na gulaman powder.

Anonymous said…
i mean po doon sa cream/milk mixture. sa pic po kasi parang mocha color so i was wondering kung may coffee rin siya.
Dennis said…
Wala na. Condensed milk lang at cream. Magkukulay parang mocca yung sauce dahil dun sa color ng coffee jelly.
Anonymous said…
hi po ..yung 2 sachet ng Mr.gulaman po ba ang tutunawin sa 2 basong tubig? tnx
Dennis said…
2 cups or 1 glass of water.
kikoperi said…
Susubukan ko ito sa pasko...salamat
Dennis said…
Yes please try. Balak ko ding ihanda ito sa pasko....hehehe

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy