COFFEE JELLY ni DENNIS
First time ko pa lang gumawa nitong Coffee Jelly na ito. Gumawa ako nito para dessert nitong nakaraang kaarawang birthday ng pangalawa kong anak na si James. Wala akong sinundan na recipe. Basta tantya-tantya lang ang ginawa ko. Pero wag ka, kahit ako ay nagulat sa kinalabasan ng dessert na ito. Masarap. Parang yung coffee jelly na drink din na nabibili natin sa Starbucks. Kulang na lang siguro ay yung whip cream na inilalagay sa ibabaw. Hehehehe. Try nyo din po.
COFFEE JELLY ni DENNIS
Mga Sangkap:
2 sachet Mr. Gulaman Powder (colorless)
10 grams Instant Coffee (Great Taste)
1 tetra brick All Purpose Cream
1 tetra brick Condensed Milk
Sugar to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Magpakulo ng 5 na basong tubig sa isang kaserola.
2. Kapag kumulo na ilagay naman ang tinunaw na kape sa 1 tasang tubig.
3. Ilagay na din ang asukal. 1 cup siguro.
4. Ilagay na din ang Mr. Gulaman Powder na tinunaw sa 2 tasang tubig. Halu-haluin para hindi magbuo-buo.
5. Isalin sa isang square na hulmahan at palamigin.
6. Hiwain ang gulaman ng pa-cubes ayon sa nais na laki. Ilagay sa isang bowl.
7. Ihalo ang condensed milk at all purpose cream
8. I-chill muna sa fridge.
Ihain na medyo malamig.
Enjoy!!!!

Comments