CRABS in SWEET CHILI-GARLIC-BUTTER SAUCE

Ito ang isa pang dish na niluto nitong nakaraang birthday ng bunso kong anak na si Anton.   Crabs in Chili-Garlic Sauce.

Kagaya ng hipon ang alimango ay espesyal din na ulam sa aming pamilya.   Bukod kasi sa may kamahalan din ang presyo nito e masarap naman talaga lalo na kung mataba o ma-aligue ang alimango.   Swerte naman at naka-jackpot ako nito sa Farmers Market.   Matataba at ma-aligue ang nabili kong alimango.



CRABS in SWEET CHILI-GARLIC-BUTTER SAUCE

Mga Sangkap:
1.5 kilos Alimango (female..linising mabuti)
2 tbsp. Chili-Garlic Sauce
1/2 cup Melted Butter
2 tbsp. Brown Sugar
2 thumb size Ginger (cut into strips)
5 cloves Minced Garlic
1 pc. Large Onion (sliced)
1 tbsp. Cornstarch
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
 1.   I-steam muna ang alimango sa isang kaserola na may tubig at asin ng mga 10 minuto.   Palamigin at saka hatiin o biyakin sa gitna.
2.   Sa isang kawali, igisa ang luya, bawang at sibuyas sa butter.
3.   Ilagay na din ang chili-garlic sauce, brown sugar, 1 cup na tubig at ang hiniwang alimango.   Halu-haluin.
4.  Timplahan ng asin at paminta.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
5.   Huling ilagay ang tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!




Comments

Popular posts from this blog

KARE-KARE

SAGING na SABA: Three Ways

SINIGANG NA TUNA BELLY