MOJOS POTATOES ala DENNIS


MOJOS POTATOES ala DENNIS

This is the second time na gumawa ako nitong Mojos Potatoes.   May katagalan na din yung last na ginawa at marami akong natanggap na positive reviews sa post kong yun.

Ang Mojos Potatoes na ito ang itinerno ko sa fried chicken na niluto ko nitong nakaraang kaarawan ng anak kong si James.   Paborito din kasi niya ito.   Kapag kumakain nga kami sa Shakeys agawan silang magkakapatid sa mojos.

Dalawang version ng recipe ang ibibigay ko para dito.   Kayo na ang bahala kung ano mas magki-click sa inyong panlasa:

Verison #1 - Using Fried Chicken Breadings
2 packs Chicken Breadings
1 kilo medium size Potatoes(sliced)
Cooking Oil for frying

Version #2 - Using Breadings from scratch
1 kilo medium size Potatoes (sliced)
1 cup Cornstarch
1 cup Flour
1 tbsp. Garlic Powder
1 tsp. Cayene Powder
1 tsp. 5 Spice Powder
Cooking Oil for frying

Paraan ng Pagluluto:
1.  Ilagay ang lahat na sangkap maliban sa cooking oil sa isang plastic bag.
2.   Isara ang plastic bag at alug-alugin hanggang sa ma-coat ng breadings ang bawat piraso na patatas.
3.  Prituhin ito ng lubog sa kumukulong mantika hanggang sa mag-golden brown ang kulay.
4.  I-drain at hanguin sa isang lalagyan na mya paper towel.

Ihain habang mainit pa na may kasamang cheese dip o kung anong dip na nais.

Enjoy!!!


Comments

Anonymous said…
looks really yummy. gusto kong gawin ito. tanong ko lang po kung yung breading talagang puro dry lang, walang egg? tsaka ano pong babagay na dip maliban sa ketchup? thank you.
Dennis said…
Di ko na nilagyan ng egg...madali kasi yung maluto so baga masunog na ang patatas e hindi pa ito luto. Hindi ko pa na-try na i-dip muna sa itlog at sa breadings. Pero i-try mo din.

For the dip...cheese wiz nanilagyan ng kaunting evaporated milk. Pwede din mayonaise with a little bagoong.
Unknown said…
Instead of potato pwede po ba ang kamote?
Dennis said…
Hindi ko pa na-try...pero matamis kasi ang kamote...baka hindi mag-blend sa lasa ng breadings.
Unknown said…
may preferred chicken breadings brand ka po ba?
Dennis said…
Wala naman. Pero okay yung sa Ajinamoto
Unknown said…
sir dun sa breadings mo anung mas ok ung lasa V1 or V2.Thank you
Dennis said…
Mas gusto ko yung V2....hehehe

Dennis
Unknown said…
Sir anong pong mas malapit na kalasa ng shakeys mojo's ung v1 or v2?
Dennis said…
Yung version 2. Kasi yan din yung mga sangkap na ginagamit ng Shakeys. May napanood lang ako na video..inilalaga muna yung patatas saka hinihiwa....at saka pa lang nilalagyan ng breasing mix then fried.
Pero try mo din ito. Masarap talaga.

Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy