MOJOS POTATOES ala DENNIS
MOJOS POTATOES ala DENNIS
This is the second time na gumawa ako nitong Mojos Potatoes. May katagalan na din yung last na ginawa at marami akong natanggap na positive reviews sa post kong yun.
Ang Mojos Potatoes na ito ang itinerno ko sa fried chicken na niluto ko nitong nakaraang kaarawan ng anak kong si James. Paborito din kasi niya ito. Kapag kumakain nga kami sa Shakeys agawan silang magkakapatid sa mojos.
Dalawang version ng recipe ang ibibigay ko para dito. Kayo na ang bahala kung ano mas magki-click sa inyong panlasa:
Verison #1 - Using Fried Chicken Breadings
2 packs Chicken Breadings
1 kilo medium size Potatoes(sliced)
Cooking Oil for frying
Version #2 - Using Breadings from scratch
1 kilo medium size Potatoes (sliced)
1 cup Cornstarch
1 cup Flour
1 tbsp. Garlic Powder
1 tsp. Cayene Powder
1 tsp. 5 Spice Powder
Cooking Oil for frying
Paraan ng Pagluluto:
1. Ilagay ang lahat na sangkap maliban sa cooking oil sa isang plastic bag.
2. Isara ang plastic bag at alug-alugin hanggang sa ma-coat ng breadings ang bawat piraso na patatas.
3. Prituhin ito ng lubog sa kumukulong mantika hanggang sa mag-golden brown ang kulay.
4. I-drain at hanguin sa isang lalagyan na mya paper towel.
Ihain habang mainit pa na may kasamang cheese dip o kung anong dip na nais.
Enjoy!!!
Comments
For the dip...cheese wiz nanilagyan ng kaunting evaporated milk. Pwede din mayonaise with a little bagoong.
Dennis
Pero try mo din ito. Masarap talaga.
Dennis