PASTA CARBONARA with FRESH BASIL


Hindi mawawala sa mga birthday na kainan ang mga noodles or pasta dishes.   Sabi nga, pampahaba daw ito ng buhay.   Hindi naman masamang sumunod kaya nitong kaarawan ng bunso kong anak na si Anton nagluto ako nitong Pasta Carbonara.   White sauce daw kasi ang gusto ng may birthday kaya ito ang niluto ko.

At para mapasarap pa, nilagyan ko din ito ng fresh basil leaves na mas lalong nagpa-tingkad sa lasa ng sauce nito.   Yummy talaga.   Try nyo din po.



PASTA CARBONARA with FRESH BASIL

Mga Sangkap:
1 kilo Spaghetti Pasta (cooked according to package directions)
500 grams Bacon (cut into small pieces)
1 big can Sliced Mushroom
1 big can Alaska full Cream Evaporated Milk
2 tetra bricks Alaska Crema or All Purpose Cream
2 cups Grated Cheese
1 cup Melted Butter
2 cups Chopped Fresh Basil Leaves
1 head Minced Garlic
1 pc. Large White Onion (chopped)
1 tsp. Maggie Magic Sarap
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Lutuin ang spaghetti pasta according to package direction.   I-drain.   Kumuha ng mga 2 cup nang sabaw na pinaglagaan ng pasta.
2.   Sa isang kawali o kaserola, i-prito ang bacon sa butter hanggang sa medyo matusta.   Hanguin sa isang lalagyan.
3.   Igisa na ang bawang at sibuyas.   Halu-haluin.
4.   Sunod na ilagay ang sliced mushroom kasama ang sabaw nito.
5.   Sunod na ilagay ang kalhati ng piniritong bacon, evaporated milk, chopped fresh basil at timplahan ng asin, paminta at maggie magic sarap.   Hintaying kumulo.
6.   Sunod na ilagay ang 2 cups na sabaw na pinaglagaan ng pasta, all purpose cream at 1 cup na grated cheese.   Hayaang kumulo ng bahagya.
7.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
8.   Ihalo ang carbonara sauce sa nilutong pasta.   Haluing mabuti.
9.   Hanguin sa isang lalagyan at ilagay sa ibabaw ang natira pang bacon at 1 cup pa na grated cheese.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!


Comments

Anonymous said…
salamat sa mga carbonara recipes. na-try ko na yung dried basil ang gamit pero wala nga lang mushrooms. gayumpaman, napakasarap pa rin. ok ang mga recipes dito, very doable at totoong masarap ang kinakalabasan. -sid
Anonymous said…
paano po maiiwasang mag-dikit-dikit yung noodles kung ihahanda ito o kaya dadalhin sa potluck? yun po kasi ang napapansin ko sa carbonara.
Dennis said…
Thanks Sid :) Please share this also with your friends and relatives.

Dennis
Dennis said…
After mo na ma-drain yung bagong lutong pasta lagyan mo ng butter at halu-haluin. With that hindi ito magdidikit-dikit.

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy