CHOPSUEY with ROASTED PORK BELLY

Pangkaraniwang sahog na alam natin sa chopsuey ay manok na may kasama ding atay ng manok.   Yung iba naglalagay din ng squid balls at tokwa.

Sa version kong ito, lechon kawali o roasted pork belly ang aking inilagay.   Nagluto kasi ako ng mga 2 kilos ng roasted pork belly.   Actually, sinadya ko talaga na sobrahan ang niluto ko para nga sa chopsuey na ito.   Ni-reserve ko din yung sabaw na pinaglagaan ng liempo para ipang-sabaw sa vegetable dish na ito.

Yummy!  Nagustuhan talaga ng aking mga anak.   Yun lang, naubos lahat ang laman o yung roasted pork belly pero natira yung maraming gulay.  Hehehehe.   Ang mga bata talaga...pahirapan pakainin ng gulay.


CHOPSUEY with ROASTED PORK BELLY 

Mga Sangkap:
500 grams Lechon Kawali or Roasted Pork Belly (cut into cubes)
1/2 cup Oyster Sauce
Sayote
Carrots
Cauliflower
Baguio Beans
Red and Green Bell peppers
1 tbsp. Cornstarch
5 cloves Minced Garlic
1 pc. Onion (sliced)
2 tbsp. Cooking Oil
1 cup Pork Broth
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa mantika.
2.   Sunod na ilagay ang sayote, Baguio Beans, cauliflower at carrots.   Halu-haluin
3.   Sunod na ilagay ang sabaw o pork broth at saka takpan.
4.   After lang ng ilang sandali, ilagay na ang red bell pepper at oyster sauce.
5.  Timplahan na din ng asin at paminta.
6.  Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
7.   Ilagay na ang tinunaw na cornstarch para medyo lumapot ang sauce.
8.   Huling ihalo ang hiniwang lechon kawali.

I-serve habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Note:    Para sa recipe ng lechon kawali o roasted pork belly, please check this recipe:  http://mgalutonidennis.blogspot.com/2015/01/lechon-kawali-my-best.html

Also, yung gulay ay depende na din sa kung anobng gulay ang gusto nyong ihalo.   Dapat lang ay magkaka-size ang hiwa nito.   Unahin lang lutuin ang gulay na mas matagal maluto.   Huwag i-overcooked.

TY

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy