CRISPY PATA
All time favorite ng mga pinoy itong crispy pata. Masarap ito lalo na kung bagong luto at malutong ang pagkaluto ng balat. Pang-ulam man o pang-pulutan, walang tatalo sa crispy patang ito.
Bihira akong magluto nito sa bahay. Madalas niro-roast ko na lang ito sa turbo broiler para iwas tilamsik ng mantika. Yun lang, iba pa rin talaga yung luto na pa-prito. Parang mas kumpleto ang lasa nito.
Ang picture pala sa itaas ay luto ng kapatid kong si Shirley. Baon namin ito nung pumasyal kami sa aking tiyo sa Bicol.
CRISPY PATA
Mga Sangkap:
1 medium size Pork Leg (Pata)
2 tbsp. Rock Salt
2 pcs. Dried laurel leaves
1 head Garlic (whole)
1 large Onion quatered
1 tsp. Whole Pepper corn
Cooking oil for frying
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola ilagay ang lahat ng mga sangkap maliban sa cooking oil. Lagyan tubig. Dapat lubog ang pata ng baboy.
2. Pakuluan ito hanggang sa lumambot ang pata.
3. Palamigin muna.
4. Kung malamig na, tusuk-tusukin ng tinidor ang paligid ng balat ng pata. Mainam na gawin ito para mag-pop ang balat niya habang niluluto.
5. Ilagay sa freezer ng overnight bago i-prito. Sa pamamagitan nito maiiwasan ang masyadong pagtilamsik ng mga mantika habang piniprito.
6. From the freezer i-prito ang pata sa kumukulong mantika. Dapat atleast kalhati ng pata ay nakalubog sa mantika. Maaring takpan para di kayo matilamsikan ng mantika.
7. Lutuin ito hanggang sa pumula at mag-pop ang balat ng pata.
Ihain na may kasamang suka nat may toyo, calamansi, sibuyas at kaunting asukal.
Enjoy!!!

Comments