GINISANG AMPALAYA with CHICHARONG BABOY

The day after nitong nakaraan kong kaarawan, pumunta ang sa aming bahay ang aking mga tiya, ninang sa kasal at ang aking kapatid na si Shirley.   At komo kaarawan ko, may dala pa silang regalo at isa na dito itong chicharong baboy na galing pa ng Bulacan.

Yung chicharon na dala nila ay yung primera klase na may laman pa.   Sarap na sarap ako at ang aking mga anak ng kinakain na namin ito.   Hehehehe.   Nagtira naman din kami at balak kong isahog sa ginisang ampalaya.   At ito na nga ang nangyari.

Masarap, malinamnam at malasa talaga ang kinalabasan ng aking ginisang ampalaya.   Try nyo din po.


GINISANG AMPALAYA with CHICHARONG BABOY

Mga Sangkap:
2 pcs. Ampalaya (sliced)
Chicharong Baboy (cut into small pieces)
2 pcs. Fresh Eggs (batihin)
5 cloves Minced Garlic
1 pc. large Onion (sliced)
2 pcs. Tomatoes (sliced)
1 pcs. Knorr Pork Cubes (dissolved in 1 cup water)
3 tbsp. Cooking Oil
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang kawali o kaserola igisa ang bawang,sibuyas at kamatis sa mantika.
2.   Sunod na ilagay ang hiniwang ampalaya at ang tinunaw na knorr pork cubes.   Halu-haluin at saka takpan.
3.   Timplahan ng kauting asin at paminta
4.   Kung malapit nang maluto ang ampalaya ay saka ilagay ang binating itlog.
5.   Tikman ang sabaw at i-adjust ang lasa.
6.   Huling ilagay ang hiniwang  chicharong baboy.  Halu-haluin at saka patayin ang apoy.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!


Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy