PAKSIW na LECHON KAWALI

Paborito ko talaga ang paksiw na lechon.   Gustong-gusto ko kasi yung naghahalong asim, alat at tamis ng sarsa nito.   Kaya naman basta ito ang ulam napaparami talaga ako ng kain.   Sauce pa lang kasi ay ulam na.

Kaso, papaano naman ako magluluto nito e napaka-mahal ng kilo ng lechon.   Kung makapagluto lang kasi ako nito kapag may handaan at may leftover na lechon.   Pero may solusyon naman o pwedeng ipalit sa tunay na lechon at ito ay ang lechon kawali.  O pwede din ang turbo broiled na pork belly para hazzle free.

At eto na nga, napawi ang pagke-crave ko sa lechon paksiw sa nilutong kong ito.   Panalo talaga.   Hehehehehe.


PAKSIW na LECHON KAWALI

Mga Sangkap:
1.5 kilo Pork Belly
4 cups Mang Tomas  Lechon Sauce
2 pcs Red Onion (sliced)
2 heads Minced Garlic
2 pcs. Dried Laurel leaves

2 tbsp. Brown Sugar
1/2 cup White Vinegar
Salt and Pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Hiwaan ang balat na parte ng pork belly na may 1/2 inch na pagitan.
2.   Timplahan ito ng asin at paminta (paligid ng pork belly) at hayaan ng mga 30 minuto.
3.   Isalang ito sa turbo broiler sa pinaka-mainit na setting hanggang sa pumula ang balat.  (About 1 hour)
4.   Palamigin muna bago hiwain ng pa-cubes at saka ilagay sa isang kaserola.
5.   Ilagay na din sa kaserola ang hiniwang sibuyas, bawang, dahon ng laurel, suka, asin, paminta at 3 tasang tubig.
6.   Isalang sa kalan at hayaang maluto pa ng mga 30 minuto.
7.   Huling ilagay ang Mang Tomas Sarsa ng Lechon at brown sugar.
8.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.    Pero the best ito kung kinabukasan na ihahain.

Enjoy!!!


Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy